in

Medical and Dental Mission, idinaos sa Parma

Isang Medical and Dental mission na naman ang idinaos ng samahang FINAss (Filipino Italian Nurses Association) para sa Filipino community nitong ika-26 ng Agosto, 2018, sa pagkakataong ito ay sa bayan ng Parma.
Ito ay naganap sa pakikipag-ugnayan at suporta ng mga samahang Pilipino sa nasabing bayan, katulad ng Walang Umay, Iglesia di Cristo, Virgie Notario’s group, Bread of Life, Jesus Is Lord,  El Shaddai, FILCOM, Lirio Tizon’s group, Bicolano’s group at Ilocano’s group.  Nakibahagi din ang samahang TAOC-IG (Transnational Anti-Organized Crime Intelligence Group) ng Bologna na tumayo bilang mga marshal para sa maayos at mapayapang pagdaos ng nasabing aktibidad.
Kabilang sa mga libreng serbisyo na ibinahagi sa misyon ay ang free blood screening ng triglycerides, cholesterol at blood sugar, blood pressure and Body Mass Index reading, at dental check-up. Kasama din ang personal na konsultasyon ukol sa mga karamdaman sa pagkilos sa mga buto at kalamnan mula sa isang Registered Physiotherapist na si Judy Baltazar. Nagbahagi din ng kaalaman tungkol sa tamang pagkain o diet ang Registered Nutritionist Dietitian na si Elisha Gay  C. Hidalgo at tungkol naman sa tamang pangangalaga ng ngipin ang ibinahagi ng Registered Dentist na si Editha Ignacio. Ang Registered Nurse na si Rose Michele Macaraeg Iagatta (Speciliazed ICU-CCU Nurse sa isang Heart Surgery Center sa Italya) ay nagbigay ng lecture  patungkol sa Coronary Artery Disease at Hypertension and ang mga ginagawang screening upang ma-detect ang mga karamdamang nasabi.
Ayon kina Lirio Tizon, Virgie Notario, at Elizabeth/Peter Tolentino, inimbitahan nila ang  FINAss para sa isang medical mission sa Parma upang maibahagi nito ang kanilang health awareness and prevention program sa ating mga kababayan sa nasabing lugar. Isa rin sila sa patuloy na sumusuporta at umaasa sa patuloy na paglago ng health professionals na mga Pilipino sa Italya.
Ang FINAss sa pamumuno ni Ms. Alicia Notario ay na binubuo ng iba’t ibang health  providers katulad ng mga nurses, midwives, physiotherapists, dentists, dietitians, at iba pa ay naglalayong tumulong sa ating mga kababayan sa Italya na maiwasan at ma-manage ang mga sakit tulad ng hypertension at diabetes sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng screening at educational lectures o consultations.
Sa mga kababayan nating nais makipagugnayan sa FINAss para sa isang medical and dental mission sa kanilang mga lugar, maari kayong makipag-ugnayan kay Ms Russel Rivera sa numero ng teleponong 329 7557206 o magpadala ng email sa finassblq@gmail.com
Elisha Gay C. Hidalgo
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tax refund o rimborso 730, kailan matatanggap ng mga colf?

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Paghihigpit sa Italian Citizenship, nilalaman din ng Decreto Salvini