Simula ngayong araw November 16, 2022, available na ang services ni Dottoressa Jerilyn Tan BALONAN, ang unang filipino doctor sa Roma, bilang Medico di base in convenzione.
Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga Pilipinong mayroong regular na permesso di soggiorno at tessera sanitaria ay maaari nang magpatala at ma-check up bilang kanyang pasyente nang libre. Matatandaang isang private doctor si Dr. Jerilyn, sa panayam ng Ako ay Pilipino noong 2014.
Aniya, “Madami ang nag-request ng convenzione services so finally did it. It’s free”, anunsyo ng duktora.
Sa mga pipili sa unang pagkakataon ng medico di base, o ang tinatawag na prima scelta, ay kailangang magpunta sa ASL na kinasasakupan, upang doon ay gawin ang Iscrizione obbligatoria sa Servizio Sanitario Nazionale (SSN) at samakatwid ang pagpili ng sariling medico di base. Dalhin lamang ang permesso di soggiorno, pasaporte at tessera sanitaria.
Samantala, sa mga nais namang magpalit ng medico di base o ang tinatawag na revoca medico at maging pasyente ni Dr. Jerilyn, ay maaaring mag log-in sa website ng Salute Lazio, gamit ang sariling digital identity o SPID. I-click laang ang section SCELTA e REVOCA DEL MEDICO DI FAMIGLIA at hanapin at piliin ang pangalang Jerilyn Tan BALONAN.
I’m very happy for this opportunity, to serve our kababayan in Rome who need medical advice. I hope I’ll be seeing them soon in my studio medico”.
Matatagpuan ang studio medico ni Dott.ssa Balonan sa Via Baldo degli Ubaldi, 22 (cit. Studio Medico De Lillo, primo piano) cap 00167 Roma.
Paalala, dahil sa patuloy na pagpapatupad ng mga health protocols partikular sa mga health facilities, ipinapaalala sa lahat na tanging ang mga may appointment lamang ang mae-entertain sa studio medico. Para sa inyong appointment, mangyaring magpadala lamang email sa studiomedicobalonan@gmail.com o tumawag o magpadala ng WhatsApp message sa +39 3270916719.
Basahin din:
Dott.ssa Jerilyn Tan BALONAN, ang unang filipino doctor sa Roma