Ano ang nilalaman MOI 003 ng OWWA at ano ang layunin nito para sa mga Pilipino sa Italya?
Ang MOI 003, 2018 ay inilabas noong Marso 5, 2018 at may titolong “Amendments to the Guidelines on the Collection of OWWA Membership Contribution”.
Pirmado ni OWWA Chief Administrator Hans Leo J. Cacdac, ang MOI ay sumasaklaw sa mga OFW na land-based or sea-based na nagpalista ng boluntaryong pagsapi sa OWWA.
May limang (5) mahahalagang requirements na sinasabi ang MOI 003, 2018.
- Balidong Carta di Soggiorno, Permesso di Soggiorno kapag sa Italya naninirahan;
- Katunayan ng pagbabayad o paghuhulog sa INPS ng Employer o bollettini Inps;
- Busta Paga mula sa Kumpanya kung saan nagtatrabaho mula sa Employer;
- Contratto di Lavoro o Denuncia di Rapporto di Lavoro;
- Anuman katunayan na may trabaho ang aplikante na maaring hingin bilang karagdagang katibayan ng tuloy-tuloy na empleyo sa abroad.
Nasasaad din na sa boluntaryong pagsapi o renewal ng OWWA membership, ALINMAN o ISA lang sa limang requirements (any of the following documentary requirements), ang isusumite kasama ang nasagutan na application form at kopya ng pasaporte na nagpapakita ng mga personal na datos ng aplikante.
Samakatwid, bukod sa application form at pasaporte, isa lamang sa limang nabanggit na requirements sa Amendment ay sasapat na. Ito ay maaaring carta di soggiorno o permit to stay, o bollettini Inps, o busta paga, o contratto di lavoro, o anumang katibayan na sumasaklaw bilang patunay ng tuluy-tuloy na pananatili at pagta-trabaho sa ibang bansa na maaaring hingin ng tanggapan ng OWWA.
Ito na ba ang kasagutan sa matagal ng kagustuhan ng mga OFW sa Italya?
Dito sa Europa, partikular sa Italya ay may ibang mukha ang mga OFW.
Bagaman labag sa batas, ay palasak sa Italya ang tinatawag na “lavoro nero”, di rehistrado pero may sweldo na tinatanggap ang mga manggagawa.
Laganap na rin ang mga tindero at tindera, at mga Pilipino na mayroong ‘business’ sa loob ng komunidad. Sila ay madalas na makikita sa tapat ng Embahada, Konsulato, Piazza, nagbabahay-bahay o ginagamit ang Social Media para may mapagkakitaan.
Mayroon din na may mga edad na, marahil mga tumatanggap ng assegno sociale o social allowance na nagbabantay ng kanilang mga apo, pamangkin at anak ng mga kumare at kumpare na buwanang binabayaran.
Marahil mga dating kasapi ng OWWA. Idagdag pa sa listahan ang maraming undocumented OFW na nagsisipagtrabaho sa iba’t-ibang pamamaraan.
Lahat ng mga nabanggit, ay hindi rehistrado at nangangahulugan lamang na walang benepisyo at walang anumang social protection mula sa gobyerno ng Italya.
Matatandaan ding tinutulan ng maraming samahan at OFW sa Italya ang Memorandum Circular 13, Diyembre 2015 na naglalaman ng mga bagong tagubilin at requirements para sa mga tinatawag na ‘Balik Manggagawa’ batay sa uri ng dokumentasyon ng pananatili sa Italya.
Ayon pa sa nabanggit na Circular, nananatiling requirement ang proof of employment. Maaaring sa pamamagitan ng employment contract, busta paga, pinaka huling Inps contributions o dichiarazione lavoro domestico. Samantala, isang mahalagang aspeto ang nilalaman ng Circular na nagbigay-linaw ukol sa permesso di soggiorno per attesa occupazione at ito ay sa pamamagitan ng patunay ng pagpapatala sa Centro per l’Impiego.
Gayunpaman, malinaw ang nasasaad sa inilathalang Amendment, MOI 3. Ikinatuwa ng marami dahil ito ay nagpapadali at nagpapalawig ng proteksyon ng ating gobyerno sa mga Pilipinong nangangailangan nito sa Italya, partikular ang mga kategoryang nabanggit sa itaas.
Ngunit sa kabila nito, napag-alaman ng Ako ay Pilipino ang magkaibang pagpapatupad ng Amendment sa Roma at Milan.