in

Bilang ng menor de edad na Pilipino sa Italya 36,719

Mayroong 36.719 menor de edad na Pinoy sa bansa. 79.5% ng mga nakatala sa High School ay pumapasok sa vocational o technical school at 533 lamang ang bilang ng mga Pilipino na pumapasok sa unibersidad. 

Sa website ng Integrazione Migrante, ng Ministry of Labor and Social Affairs, sa pakikipagtulungan ng Italia Lavoro S.p.a., ay inilathala rin ang mga katangian ng mga menor de edad ng 15 komunidad, kabilang ang Filipino community. 

Ang bilang ng mga menor de edad na Pilipino sa bansa hanggang Enero 1, 2015 ay sumasaklaw sa 36.719 o ang 4% ng kabuuang bilang ng mga non-European minors.

Ang mga mag-aaral na filipino nationals sa school year 2014 -2015 ay 26.132 at kumakatawan sa 4.3% ng kabuuang bilang ng mga non-Europeans. Kalahati ng bilang na nabanggit ay pumapasok sa nursery school o infanzia at ang elementary school na tumutukoy sa edad mula 3 hanggang 10.

Partikular, 1/3 ng mga mag-aaral na Pilipino ay pumapasok sa elementary school habang ang 16% naman ang pumapasok sa nursery school. Ang nananatiling 50% ng mga mag-aaral ay nahahati sa junior at senior high school, kumpara sa 43.5% ng kabuuang bilang ng mga non-Europeans.

Ang 79.5% ng mga mag-aaral na Pilipino na nakatala sa High School sa school year 2014-2015 ay pumapasok sa vocational o technical school, bilang na mataas ng 1.5 kumpara sa average number ng non-Europeans.

Samantala, mababa naman ang bilang ng mga mag-aaral na Pilipino sa school year 2014-2015 na nakatala sa unibersidad o 533 lamang, katumbas ng 1% ng 55,154 bilang ng mga non-Europeans.

Ang Filipino community ay kasalukuyang ika-lima sa pinakamalaking bilang sa Italya ngunit ika-26 naman kung bilang ng mga mag-aaral sa unibersidad ang pag-uusapan.Gayunpaman, maituturing na malaki na ang itinaas nito o 66% sa huling limang taon.

Gayunpaman, ang Filipino community ay ang panghuli sa listahan ng NEET (Not in Education, Employment or Training). Ang bilang ng mga kabataang Pilipino na hindi nag-aaral o nagta-trabaho sa pagitan ng edad mula 15 hanggang 29 ay 5934 katumbas ng 2.3% ng non-Europeans. Ang bilang na ito ay bumaba ng 2131 kumpara sa naunang taon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang mga Pilipino sa Italya

Impormasyon sa telepono ukol sa italian citizenship, hatid ng Ministry of Interior