in

Mga imigrante kabilang sa primary election sa Roma ng centre-left coalition

Kabilang ang mga imigrante na pipili ng kanilang kandidato bilang alkalde sa Linggong darating, March 6. Kailangang magpa-rehistro at bumoto sa mga itinakdang special posts para sa kanila.

 

Roma, March 3, 2016 – Mayroong higit sa 350,000 imigrante sa Rome at karaniwang wala o bibihira ang nakakaalam kung ano ang kanilang politikal na posisyon. At ang mga sumusuporta sa pananaw ng center-leftt coalition, sa linggong darating ay maaaring pumili kung sino ang nais iluklok bilang alkalde sa Campidoglio.

Sa kabila ng maraming kontrobersiye, maituturing ng tradisyon ang pagiging bahagi ng mga imigrante sa pagpili ng kandidato bilang alkalde ng kapital ng koalisyon. Sa katunayan, sa regulasyon ay nasasaad na ang “lahat ng mga regular na residente ng lungsod” ay maaaring pumili sa March 6 sa pagitan nina: Chiara Ferraro, Roberto Giachetti, Domenico Rossi, Gianfranco Mascia, Roberto Morassut at Stefano Pedica.

Ang mga imigrante ay maaaring magpa-rehistro sa Sabato March 5 hanggang alas 12 ng tanghali, sa mga itinakdang lugar (1 kada munisipyo). Sa parehong lugar kung saan nagpa-rehistro ay maaaring bumoto sa Linggo March 6, matapos sumang-ayon at pumirma sa “Linee guida del centrosinistra Roma” at magbigay ng kontribusyon ng 2 euros. Nakalaan din sa mga kabataan mula 16 hanggang 18 anyos ang pagpaparehistro.

Ang 15 special posts (ng kabuuang 200) na nakalaan sa pagpapa-rehgistro ng mga imigrante ay maituturing pa ring isang ‘hadlang’ sa kanilang pagpili, dahil marahil may mas malapit na poll station sa kanilang tahanan. Isang bagay na binigyang solusyon sa ginanap na ‘primary election’ sa Milan noong nakaraang buwan kung saan ang mga imigrante ay nakapili ng kanilang kandidato sa parehong kundisyon ng mga Italians.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Balota ng registered overseas voter sa pamamagitan ng koreo, paano?

Personality Development and Character Formation for Community Building, inorganisa ng COFILMO