in

Mga kabataan pinarangalan sa IEE 2nd Moving up Activity

Dream, Strive and Achieve

 

 

Roma – Bakas na bakas ang tuwa at pagmamalaki sa mukha ng mga magulang  habang inihahatid ang kani-kanilang mga anak sa pagkuha ng certificate at pagsasabit ng medalya. 

Anak, nakakasorpresa at nakaka-proud naman”, sambit ng mga ito matapos marinig ang pangalan ng kanilang mga anak sa ginanap na 2nd Moving up Activity ng Innova Education Europe nitong Hunyo sa Collegio Verbo Divino, Rome.

Ito ay ang ginanap na Recognition Day ng halos 40 mga kabataan mula sa iba’t-ibang lebel na sumailalim sa English Second Language o ESL week-end program nitong katatapos lamang na Academic year. 

Sa pangunguna ni Ma. Elena Paningbatan, ay tinuturuan, pinalalalim at hinahasa ang mga kabataang Pilipino, Italyano at Kolumbyano hindi lamang sa vocabulary at grammar bagkus pati ang pronunciation ng wikang ingles na sa bansang Italya ay isang pangkaraniwang subject lamang sa mga paaralan. 

Sa katunayan, bukod sa layuning mai-taas ang antas ng mga manggagawang Pilipino sa Italya hangad din ng mga bumubuo ng IEE ang mabigyang-halaga ang kanilang iniwang propesyon sa Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan ng pagtulong at pagtuturo sa mga kabataang sa Italya na ipinanganak anuman ang kanilang nasyunalidad.

Bagay na ikinatuwa ng panauhing pandangal mula sa Embahada ng Pilipinas na si Vice Consul Nadine Morales. “Congratulations sa mga bata, sa mga magulang at lalo na sa Innova sa kanilang magandang adhikain. Nawa ay mas marami pang mga kabataan ang makinabang ng inyong serbisyo at pagsusumikap”, ayon kay Consul. 

Wala ring paglagyan ng tuwa ang isa sa mga magulang, si Pedro Martinez.

Hindi ako marunong ng wikang ingles kung kaya’t natutuwa ako na sa pamamagitan ng Innova ay natututo nito ang aking anak pati na rin ng magandang kultura ninyong mga Pilipino”, ayon kay Consul Martinez ng Columbian Embassy. 

Samantala, isang testimony naman ang buhat kay Anna Maria Cipriano Sibulo, isang chef sa kilalang restuarant sa Roma na unang estudyante ng IEE na nakapasa sa Cambridge’s FCE level.  

Bukod sa kanya ay marami pang mga kabataan ang sumailalim at pumasa sa Cambridge’s KET at PET Exam. Sa katunayan, ang IEE ay itinalaga na bilang opisyal na Cambridge Exam Preparation Center.

Ang Innova Education Europe simula noong Oktubre 2015 ay nagpapatuloy sa magandang simulaing ito na sinusuportahan at pinaniniwalaaan ng mga magulang at mga kabataan. 

 

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Talakayang Pangkababaihan, inilunsad sa Empoli

Mga kabataang Pinoy, sumabak sa concert sa Milan