in

Mga kabataang Pinoy, lumahok sa Mille Colori

Aktibo ang naging paglahok ng Philippine Little Azkals – Rome  sa ika-apat na taon ng Mille Colori o ang One-day soccer league sa pagitan ng mga kabataan buhat sa halos tatlumpung bansa. Save

altRoma, Hunyo 4, 2012 – Ang Mille Colori o Thousand Colors ay ginagawa taon-taon para maipadama sa mga young migrants ang tunay na integrasyon ng mga migrante buhat sa iba’t ibang bansa na namumuhay sa lungsod ng Roma. Isang proyekto na pinangungunahan ni Massimo Morezzi at ng kanyang asosasyong A.S.D. Giochiamoapallone na mayroong busilak na mithiin para sa mga kabataang migrante sa Roma sa sinimulan 4 taon na ang nakakaraan. Ang layunin ng One-day league ay upang magkaroon ng tunay na integrasyon ang mga musmos na kabataang isinilang at lumalaki sa bansang Italya na dala ang bandila ng kanilang mga magulang at mga ninuno. Bukod dito, layunin rin ang pagkakaisa ng bawat bansa at isang araw ng kultura sa pamamagitan ng sama-samang paglalaro ng soccer.

Qui, manca solo il Presidente Napolitano”, masayang komento ni Morezzi habang pinagmamasadan ang mga kabataang dala ang bandilang pagkakakilanlan. Bagamat mahabang panahon pa ang hihintayin bago makamit ang citizenship by birth sa bansang Italya, ang Mille Colori ay isang pagkakataon upang gisingin ang pamahalaan upang bigyang pansin ang minimithi ng mga kabataang ipinanganak sa bansang ito.

Sa pamamagitan ni Pia Gonzalez (Konsehal sa XVI Municipality of Rome) at Romulo Salvador (Konsehal sa Roma Capitale) at patuloy na pakikiisa ng mga magulang ay naisasakatuparan ang taunang paglahok ng bansang Pilipinas sa liga.

altAng grupo ng mga Filipino ay binubuo ng 12 kabataan mula 5 hanggang 10 taong gulang. Pagmamalaking nakahawak sa kanilang dibdib sa pag-awit ang pambansang awit ‘Lupang Hinirang’ habang nagpa-parada at pumapasok sa malaking soccer court ng  Urbetevere sa Via della Pisana kahapon araw ng linggo.

“Malaki ang pananaw na gumawa ng malaking pagbabago ang ating youth players sa soccer buhat sa Roma”, ayon kay Coach Elchor Ferrer.

Bilang paghahanda, ang mga kabataang Pinoy kasama si Coach Elchor ay nag-ensayo isang linggo bago ang liga. At ang kanilang kayusahan ay naipakita sa paglalaro. Ang unang laro ay Philippines Vs. Ruwanda – 2-0 in favor of the Philippines; ang pangalawang laro ay Philippines vs. Eritrea – 4 -4 all, ang pangatlong laro ay Philippines vs Holland – 0 – 0 ang pang apat ay Philippines vs Rominsieme 0 – 6 in favor of Philippines at ang huling laro ay Pilipinas vs. Ruwanda ( bis game for having tied up in the ranking points each other ). Sa championship, naglaban ang Romania vs, Honduras. Nasunglit ng Romania ang championship sa score na 1- 0 in favor of Romania. Nag ranked 5th ang Pilipinas sa overall standings kaya hindi tayo naka abot sa Finals.

altBagamat hindi tayo nakarating sa finals, ipinakita naman ng mga kabataan na hindi tayo naging panghuli sa mga bansang lumahok (Sawa Cameroon, Romania, Cape Verde, Italy, Colombia, Mexico, Palestine, Bolivia, Perù, Eritrea,Holland, Ucrania,Brazil, Marocco, Rwanda, India, Egypt, Moldova, Venezuela, Honduras, Bangladesh, Germany at Guinea.  Tatlo ang naging panalo at tatlo rin ang larong nai-tabla ng grupo.

Sa kabila nito, sapat ang naging kasiyahan ng mga kabataan sa tagumpay ng pakikilahok sa inisyatiba. Gayun din ang mga magulang na hindi inalintana ang init ng sikat ng araw sa pagsuporta sa kanilang mga anak.

May pananabik ang lahat sa susunod na taon, sa muling paghaharap ng mga kabataan ng buong mundo sa araw ng ‘Mille Colori’. (ni: Elchor Ferrer)

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Foundation to help victims of Italy earthquake

Pinoy, hinatulan ng 8 taong pagkakabilanggo