in

Mga kabataang Pinoy, pumangalawa sa Mille Colori Soccer Tournament

Muling nakiisa ang mga kabataang Pinoy sa ika-pitong edisyon ng Mille Colori Soccer Tournament sa Roma, pumangalawa sa overall ratings at nagtamo ng 26 points. 

 

Inilunsad kamakailan ang ika-7 edisyon ng Mille Colori Soccer Tournament para sa mga batang may edad 7 hanggang 10 taong gulang. 

Ginanap nitong Oktubre 2017 sa Stadio della Farnesina sa Roma, adhikaing ipaabot sa mga kabataan ang kagandahang hatid ng paligsahan partikular ang integrasyon sa pamamagitan ng sports. 

Ang matagumpay na pagdiriwang ay dinaluhan ng humigit kumulang 400 players na nagmula sa mga bansang Albania, Bolivia, Capoverde, China, Colombia, Coni-Italia, Ecuador, Egitto, Philippines, Germany, Japan, Honduras, India, Italia, Marocco, Mexico, Millecolori, Olanda, Peru, Romania, Rom Insieme, Senegal, SierraLeone, Sri Lanka, Tunisia at Venezuela.

Tinanghal na kampeon ang bansang Mexico na nagtamo ng 27 points. Isang puntos ang naging lamang ng Mexico sa overall standings ng palaro. Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas at pumangalawa sa ratings na may 26 points. 

Sa ilalim sa pamumuno ni Massimo Morezzi, isang magandang advocacy ang tipunin ang mga kabataan at magbigay kasiyahan sa kanila pati na rin sa madlang sumusubaybay ng palarong ito taun-taon kasabay ang magandang hangarin nito. 

Sa katunayan sa pagtatapos ng palaro ay kasunod ang isang salu-salo ng mga pagkaing buhat sa mga bansang lumahok dito. Nagmistulang isang malaking pamilya na dumulog sa hapag kainan at sama-samang taglay ang kasiyahan sa araw na iyon. 

Sinundan ito ng makulay na cultural presentation ng mga bansang kasali sa tournament. 

Matatandaang ang Pilipinas ang naging kampeon noong nakaraang taon at inaasahang sa susunod na taon ay muling magwawagi ang mga kabataang Pinoy. 

Gayunpaman, walang paglagyan ng tuwa ang lahat ng mga batang lumahok dala ang mga tropeo at suot ang mga medalya pati na rin ang mga magulang at mga supporters ng bawat kupon na puno ng pananabik para sa paligsahan sa susunod na taon. 

Ang mga magigiting na maglalaro :

  • Kyrus Dwayne Abdon 
  • Axel David Matira 
  • Adam Lacorte 
  • Symon Diokno 
  • Cristian Salva 
  • Maristella Baquillas 
  • Jericho Garcia 
  • Mark Khelvin Ilagan 
  • Jeus Phol Ilagan 
  • Liam Hernandez

Head coach si Kian Ramses Abdon. 

At sa pakikipagtulungan nina Pia Gonzalez-Abucay, Elchor Rebong Ferrer, Priscilla Manalo Abdon at lahat ng mga magulang at mga pamilya ng mga players ay naisakatuparan muli ang pakikiisa ng bansang Pilipinas sa Mille Colori. 

 

ni: Elchor Rebong Ferrer

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

85,000 signatures, layong baguhin ang Batas ng Imigrasyon

Mga Outstanding Overseas Filipinos sa Italya at Europa, binigyang parangal