in

MGA KAKANING PILIPINO, PINAGKAGULUHAN NG MGA ITALYANO

Tumawag ng pansin ang sarap ng amoy ng mga inihandang kakaning Pilipino sa Piazza della Repubblica na naging parte ng selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng centro sociale e culturale anziani “A Volta” ng Terni.

altTerni – Literal na pinagkaguluhan ng mga Italyano ang mga inihandang kakaning Pilipino sa Piazza della Repubblica na matatagpuan sa siyudad ng Terni nitong nakaraang Linggo, Oktubre 16.  Nagmistulang Filipino Food Festival ang kubol na inilaan ng asosasyong “Anziani e Migranti per L’Integrazione” ng Terni para sa mga migranteng Pilipino na kasalukuyang naninirahan sa nasabing siyudad.  Ang paglalaan ng kubol para sa mga Pilipino ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng pagkakatatag ng centro sociale e culturale anziani “A Volta” sa pangunguna ng mismong Presidente nito, si Sig. Mario Andrea Bartolini.  Patok na patok ang mga kakaning Pilipino na sama-samang pinaghandaan ng mga opisyales at miyembro ng San Francesco Filipino Community sa Terni.  Ito ay kinabibilangan ng turon, biko, palitaw, pansit, cassava cake, puto, kutsinta, buko pandan at marami pang iba.alt

Naging parte ng selebrasyon ang paghahandog ng mga Pilipino ng mga awitin na para ding kakaning Pilipino na pinagkaguluhan din ng mga Italyano.  Naging makulay din ang nasabing kubol dahil sa mga iba’t-ibang posters na nagpapakita ng ganda at yaman ng kulturang Pilipino.  Ang mga ganitong selebrasyon at manipestasyon ay tunay na nagpapakinang ng ganda ng kultura at kasaysayan ng ating Inang Bayan. (Rogel Esguerra Cabigting)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ITIGIL NA ANG PAMAMASLANG!!!

Legal ang sinumang mayroong ‘cedolino’