in

Mga lesbians rumampa sa isang pageant sa Milan

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Italya ay isinagawa ang “That’s my Tomboy 2017” o pageant ng mga lesbians.

 

 

Milan – Walong mga Pinoy lesbians o mga tomboy ang nagpakitang gilas sa pagrampa sa entablado sa isang pageant na ginanap sa Teatro Principe sa Milan, Italy.

Layunin ng nasabing event ay ang bigyan ng pagkakataon na makilala ang mga lesbians sa Milan at higit sa lahat ay upang matulungan ang “Tahanan ng Damayang Kristiyano” sa Barangay Parang Mangga, San Jose City, Philippines na kumukupkop at nag-aaruga ng mga magulang na inabanduna ng kanilang mga anak sa Pilipinas.

Umabot humigit kumulang sa isang taon ang paghahandaan sa nasabing event kasama ang pagkukumbinsi sa mga lesbians. At ang pagpupursigi ng mga oraganizers ay nagresulta sa pitong kandidato na pawang tiga Milan at ang isa ay galing pa sa probinsiya ng Como.

Ang mga kandidato ay kinabibilangan nina alias Chinito, Zhang, Jho, Ditch, Pataraki, Tinton, Kirk, Ian.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino sa mga kandidato, iisa lamang ang binanggit na dahilan ng kanilang pagsali: ang magandang layunin ng pageant, skills enhancement at pagkakaroon ng marami pang mga kaibigan na katulad nilang lesbian.

4 na kategorya ang pinagdaanan ng mga kalahok upang maging tampok na “Thats my Tomboy 2017”: Sportswear, Talent, Best in Barong, Best in Formal wear at ang Question and Answer, na kung saan 4 na hurado ang humusga kung sino ang mga nararapat makatanggap ng mga major at minor awards.

Ang mga hurado ay kinabibilangan nina Kaye Cruz (Pollini), Jenna Mendoza (Branded), Roniel Bong Morong, at Ciello Niedo

Maagang nagdatingan ang mga supporters ng bawat kandidato at naghanda agad ng kani-kanilang mga paraphernalia’s na gagamitin sa pag-cheer upang bigyan ng moral support ang kanilang kandidato.

Ang mga sponsors ay nagbigay din ng kanilang suporta para sa kauna-unahang uri ng event na ito.

Mula umpisa hanggang sa kahuli-huliang sandali ng event ay walang tigil ang hiyawan ng mga supporters at audiences maging ang walong kandidato ay nagsusuportahan sa isa’t-isa.

Sa total score na 93.05%, nahirang bilang “That’s my Tomboy 2017” grand winner si Kirk Cusi aka Kirik, samantalang 1st runner up si Cheryl Sapigao aka Pataraki at 2nd runner up si Christine Guico aka Tinton.

Nais ng kauna-unahang kampeon ng “That’s my Tomboy” ay ang magtayo ng isang grupo ng mga tulad niyang lesbian at ipakita sa mundo na may karapatan at karapatdapat sila sa lipunan.

Lyon sa mga organizers, hindi nagtatapos ang lahat sa naganap na kumpetisyon at ang bawat isa ay isasama pa rin sa promosyon ng kanilang mga future projects hindi lamang dito sa bansang Italy kundi sa buong Europa.

Ang unang-unang “That’s my Tomboy 2017” event ay inorganisa nina Monching Cruz, Janette Torres Cruz, kasama sina Melissa Legaspi, Veronica Elnar, Mary Katherine Valenton, Eva Gatdula at Justine Binay, Director Nardz Alcaraz, Tech Dir. Jhulz Diocalez , Stage Dir. Aldrin Pascua, Choreographer Adler Sorza at Archie Mononglo, Photographer/ Videographer sina Ulymar Geraldez at Alvin Corales.

 

That’s my Tomboy 2017

Candidates & Awards

Kirk                  “Dat’s my Tomboy 2017” grand winner

                        Best in Formal wear / Best in Production Number

                        Best in Talent / Best in sportswear

Pataraki             1st runner-up

                        Congeniality / popularity / Branded choice

                        Photogenic

Tinton               2nd runner-up

                        Best in close-up smile / Best in barong wear

                        Nworld choice

Zhang               Telegenic / Celebrity / Telegenic / upirm

                        One in a million / friend of treasure / Vera Assist. choice

                        Jho Celebrity / 1 year sponsored parlor services 

                        Chinito Charming / Athea Couture choice

Ditch                 Passionista / Justine Binay choice / elegant / celebrity

                        Multimedia online votation

Ian                   Gorgeous / LBC choice / Northern Luzon Org. choice

 

 

ni Jesica Bautista

photo courtesy :

 ROYAL PHOTO TREASURE &

MEDIAWORKS 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Outstanding Overseas Filipinos sa Italya at Europa, binigyang parangal

Mga Dapat malaman tungkol sa sakit na Tuberculosis