in

Mga Outstanding Overseas Filipinos sa Italya at Europa, binigyang parangal

Ang Outstanding Filipino Workers Award and Recognition Day 2017 ay ang pagkilala sa pagsusumikap, pasasalamat sa pagiging halimbawa at pagpaparangal sa mga Overseas Filipinos sa Italya at Europa sa pagiging mahusay anumang sektor na kanilang kinabibilangan. 

 

Sa pangunguna ng Federation of Filipino Communities and Associations o FEDERFIL ITALY-EUROPE at sa pakikipagtulungan ng Comune di Catania at ng Filipino Community Catania ay naisakatuparan ang Araw ng Parangal, o ang Outstanding Filipino Workers Award and Recognition Day 2017 kung saan ang mga Overseas Filipinos sa Italya at Europa ay kinikilala sa kanilang pagsusumikap, pinasasalamatan sa kanilang pagiging halimbawa at pinararangalan sa pagiging mahusay anumang sektor ang kinabibilangan.

Ang Araw ng Parangal, sa ikatlong taon nito ay ginanap sa Teatro Sangiorgi sa Catania Sicily noong nakaraang Oct. 21, 2017. Dinaluhan ito ng mga Pilipino mula religious group, mga asosasyon civic organization at mga indibidwal hindi lamang buhat sa Italya bagkus nagbuhat pa sa iba’t ibang bahagi ng Europa. Ito ay matapos inilunsad ang Europe expansion ng Federfil-Italy makalipas ang anim na taon ng pederasyon nitong nakaraang Abril.  

Bagaman hindi nagmula sa gobyerno o anumang institusyon ng pamahalaan ang pagtanggap ng sash at plaque, ito ay lubos na nagdulot ng kaligayahan at pagmamalaki sa bawat awardees at inaasahang magdudulot ng higit na inspirasyon sa marami. 

Kami ay magpapatuloy sa buong Europa para sa aming layuning magbigay parangal sa mga Overseas Filipinos. Ang ating matagal na panahong pananatili sa Europa ay nagbubunga na at nararapat na kilalanin, hindi dapat isantabi at bagkus ay dapat bigyang halaga”, ayon kay Ariel Lachica sa kanyang panimula. 

Hindi rin mapapantayan ang suportang buhat sa Comune di Catania, sa pangunguna ni Mayor Enzo Bianco na syang panauhing pandangal sa araw ng awarding.

Lubos ang aking pasasalamat at napili ninyo ang Catania bilang lugar kung saan kikilalanin ang kanilang katapatan at kasipagan sa tungkulin bilang manggagawa at indibidwal. Mahalaga ang ginagampanan ng mga Pilipino sa Catania bilang magandang halimbawa sa komunidad at sila ay aking personal na pinasasalamatan. Para sa patuloy na paglaki ng komunidad, partikular para sa ikalawang henerasyon, nais kong ipagmalaki ang “Catanesi, per nascita”, na nag-iisa sa buong Italya. Ito ay isang ‘registro’ o talaan ng mga kabataang hanggang 18 anyos na ipinanganak sa Catania dahil ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Catania ay pantay-pantay at mayroong parehong karapatan at tungkulin anuman ang nasyunalidad ng kanilang mga magulang”. 

 “Isang napaka-gandang layunin ang pagbibigay ng parangal na ito at ako ay lubos na natutuwa at naging bahagi kami sa tagumpay ng maraming Pilipino dito sa Catania”, pagtatapos ni Mayor Bianco. 

Muli ay pinatunayan ang “One Voice, One Action” ng FEDERFIL. Kaakibat ng paglawak ng pederasyon ay ang paglalim ng kanilang layunin sa mga susunod pang taon para sa ikabubuti ng mga manggagawang Pilipino hindi lamang sa Italya bagkus ay sa buong Europa. 

Narito ang mga tunay na natatangi at dapat ipagmalaki ng lahing Pilipino. 

Individual Categories:

Outstanding  Medical Staff

  1. Mrs.Maribel Pascua Favor – UK
  2. Jesus Dimalanta – Roma 
  3. Ernerose Sacsac – Messina 
  4. Dionisio Tangcangco – Reggio Calabria
  5. Arturo Cosino – Reggio Calabria 
  6. Ricky  Salta – Perugia                   

Outstanding Caregiver Staff

  1. Master Augurio  Mendoza – Teramo      
  2. Rosemarie Asunscion – Messina 
  3. Leonita Tolentino – Napoli 
  4. Dominga Babaran – Messina 
  5. Elvira Acosta – Messina                    

Outstanding Household Managers and/or Hotel & Restaurant Workers & Other Services

  1. Rogelio Balandra Arriola – Enna-Sicily  
  2. Lina Hernandez – Messina 
  3. Beatriz de Leon – Catania            
  4. Romulo La Fuente – Reggio Calabria 
  5. Arlene  Ventura – Napoli 
  6. Ermen Ivan Chris Suelila – Reggio Calabria 

Outstanding Leaders in Civic Organizations/Town-based Associations

  1. Manolito Garcia Diego – Greece 
  2. Absalon Tubujuan – Cosenza
  3. Consorcio Aninao Amado – Modena 
  4. Villamor Velasco – Salerno 
  5. OutstandingLeader in Civic/Martial Organization-Master Librada Ramos – Roma 

Outstanding Church-based Community Leaders (Catholic and Other Denominations)

  1. Clemente Elnas – Roma           
  2. Hazel Grace Cueto – Salerno
  3. Leonida Alagon – Napoli       
  4. Cynthia dela Cruz – Roma      

Outstanding Youth Star Leaders (Academics,  Sports, Music, Arts, Martial Arts, etc.)

  1. Outstanding Youth Star Leader in Sports – Sami Alijonne Diego – Greece
  2. Outstanding Youth Star Leader in Dance –  Brylyn Arenas – Messina
  3. Oustanding Youth Star Leader in Music – Kirsten Keisha Sacsac -Messina
  4. Outstanding Youth Star Leader in Music – Hazemer Cueto – Salerno        
  5. Outstanding Youth Star Leader in Global Integration & Social Entrepreneurship – Allen Bueno Magsino – Roma

Outstanding Filipino/Filipina Senior Citizens in Italy  

  1. Natalia Pasague – Messina 
  2. Marietta Valmont Realeza – Enna-Sicily
  3. Consolazione Policarpico – Napoli 
  4. Elena Sapinoso – Catania
  5. Greg Ganio – Messina                        
  6. Rodolfo Palma – Salerno

Outstanding Filipino Worker – Entrepreneur Category (Restaurant, Hotel, Retailing, Travel Agency, Cargo, etc.)

  1. Angelita Calderon  Pamulo – (Equalaes Travel Agency) – Roma 
  2. Mateo Alulod – (Inter-Market) – Messina                                
  3. Benemar Bartolome (Inter-Market) – Reggio Calabria                   
  4. Paul &Evelyn Reyes (Phil-Cargo Multi Service) – Roma                                  
  5. Hanz Christian Ramirez (Prof. Photography) – Messina                             

Outstanding Employers (Filipino, Italian and Non-Italian)

  1.  Laetitia Masi—(Italian) – Equarlaes Travel – Roma                      
  2.  Carmela lo Giudice – Nottaio – Catania 
  3.  Avv. Dorotea Grasso  – Studio legale – Catania 

Outstanding Philippine Govt. and Private Sector Employee in Italy

  1. Jennifer V. Adriano  – East Timor Embassy in Italy – Roma                   
  2. Ganymede Soliven  – Social Worker /Comune di Roma – Roma           
  3. Nelson Ferrer – Ingrosso Gioelleria  –  Catania
  4. Farahlinda Mejia – Honorary Consul Office – Palermo                         

Outstanding Italian Govt. and Private Sector Employees in Italy

Avvocato Nunzia Scandurra – Catania

Felice Tramaglino – Messina                                                         

 

GROUP CATEGORIES:

Outstanding Civic Organizations/Town-based Organizations

  1. Filipino Community SALERNO—Salerno                                            
  2. FORZA Filippine—  Reggio Calabria                                                     

Outstanding Church-based Group in Italy ( Catholics and other denominations)

  1. ADI-MEF- Filipino Community — Salerno 
  2. San Lorenzo Ruiz Filipino Community — Roma 

SPECIAL AWARDS: 

UOMO DELL ‘ ANNO -Danny Martirez Favor- United Kingdom 

DONNA DELL ANNO 2017—Marie Gumabon Lami – Roma                                                                                                                                                                                    

EMERITUS  AWARD  DELL ANNO 2017 –  FR. William Retirato Rivas – Messina

STAR IN DANCE ACADEMY AWARDS 2017—Rodel Espinosa – Spain

STAR IN MUSIC AWARDS 2017 – Lily Moreno – Roma

STAR IN MEDIA COVERAGE 2017- Pia Gonzalez-Abucay – Roma

 

PGA

larawan ni: Hanz Ramrez                   

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Mga kabataang Pinoy, pumangalawa sa Mille Colori Soccer Tournament

Mga lesbians rumampa sa isang pageant sa Milan