in

Mga pagdiriwang sa Italya ng kadakilaan ni Rizal, pinangunahan ng KOR

Pinangunahan ng Knights of Rizal Italy ang iba’t ibang pagdiriwang sa paggunita ng kabayanihan at pagkamartir ni Dr. Jose Rizal. Bukod sa ginanap na makasaysayang pagdiriwang sa Roma, ay nagkaroon din ng ilang inisyatiba ang grupo sa iba’t ibang bahagi ng Italya tulad ng Cagliari, Florence, Modena, Reggio Calabria. 

 

ROMA

Dala ng malamig na panahon sa Italya, marami sa ating mga kakilala at kababayan ay pipiliin na manatili na lamang sa ating mga tahanan para makaiwas sa lamig at sakit dulot ng nakakapanginig na lamig habang nagyeyelo ang ilang lugar sa Italya pati na rin ang mga fountain sa Roma. 

Ang Knights of Rizal sa Roma sa pangunguna ni Augusto Cruz bilang Chapter Commander at Lito Viray bilang Deputy Commander ay kasama ang mga tagapangalaga ng Bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Piazzale Manila sa Roma, sa inisyatiba ni Norberto Fabros, Supremo ng PDGII Guardians at isa ring Knights of Rizal sa Roma ay hindi inalintana ang malamig na panahon at sama-samang naghanda para sa ika-120 taong Pag-gunita sa Kamatayan ni Gat Jose Rizal. 

Sa naturang okasyon na pinangunahan ni Philippine Ambassador Domingo Nolasco ang pagtataas ng bandera ng Pilipinas at seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ng ating pambansang bayani kasama ang kinatawan mula sa Philippine Embassy to the Holy See sa Vatican Consul General Charlie Manangan, Knights of Rizal Area Commander Carlos Simbillo, kasama ang mga kilalang personalidad at Filipino leaders sa Roma na taunang nagbibigay ng kanilang mahalagang oras para sa mga sama-sama sa mga makabayang selebrasyon mula sa PIDA, ENFID, FEDERFIL, at ang mga maginoo ng mga Guardians sa pangunguna ng PDGII atbp. 

Hindi naging hadlang ang sobrang lamig na nadarama at napalitan ito ng mainit na pag- -alala sa mga kadakilaan, pagkamartir at pagmamahal sa ating bayan mula sa ating pambansang bayani. Kaya bilang munting sukli sa kanyang malaking ambag sa ating kalayaan ay ilang oras na laan para sa pagbibigay pugay ang kahanga-hangang ibinalik ng mga Filipino sa Roma. 

Simple ngunit makulay ang naging kinalabasan ng seremonya at sa mga pagpapatuloy ng programa ay malaking bahagi ng suporta ang ipinakita ng tagapagpagpakilala na si Pia Gonzalez-Abucay gayundin din ang mga nagsipagbigay ng kanilang mga mahahalagang pananalita mula sa mga naging panauhin. 

Kasama sa mga nagsidalo ang Knights of Rizal mula Firenze na kinatawan ni Arman Cruz bilang Deputy Commander ng Firenze at Dennis Ilagan ng Modena Chapter gayundin ang Kababaihang Rizalista Inc. Modena at Firenze Chapter sa pangunguna ni lady Winnie Crisostomo, Lady Sue Gecolea at mga kasama. 

CAGLIARI

Ang Knights of Rizal, Kababaihang Rizalista Cagliari Chapter kasama ang Filipino Community sa Cagliari ay nag- alay ng Misa para sa pag-gunita ng Ika-120 taong Anibersaryo ng Kabayahihan at Pagka-Martir ng ating pambansang bayani. 

Ang pagdiriwang ay ginanap noong ika-26 ng Disyembre 2016 sa Simbahan ng La Palma sa Cagliari, Italy. Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ng dalawang Paring Pilipino na sina Rev. Father Saul Tootz Maquinto, Parish Priest sa La Palma Cagliari at Rev. Father Dominique na taga Oristano. 

Pagkatapos ng Misa ay nagkaroon ng salu-salo at kasayahan kasama ang ibat ibang grupo ng Filipino sa Cagliari tulad ng El Shaddai, Couples for Christ, Renovamento at Dangal ng Guardians. 

FIRENZE

Ang Knights of Rizal Firenze ay sinimulan ang pag-gunita sa ika-120 taon ng anibersaryo ng Pagka-Martir at Kamatayan ni Gat Jose P. Rizal noong ika-30 ng Disyembre, 2016 sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang Misa na pinangunahan ni Fr. Reynold Corsino at ni Don Giani Guida (isang Italyanong Pari) sa tulong ni Ginoong Reynaldo Rivera ng San Barnaba Church Filipino Catholic Church of Florence at Adoracion Nocturna Firenze. 

Ang pag-aalay ng Banal na Misa ay pinangunahan nina Carlos Simbillo na siyang Area Commander ng Knights of Rizal sa Italya at Armando Cruz bilang Deputy Commander ng Knights of Rizal Firenze Chapter kasama ang ibang mga opisyal at miyembro. Pinasalamatan ng Knights of Rizal Firenze ang Parokya ng San Barnaba sa pagbigay ng isang Misa na alay para sa pag-alala sa kadakilaan ng ating Pambansang bayani. 

Sinundan ito ng isang salu-salo at ng palaro at pasasalamat sa pamamagitan ng isang Winter friendly bowling tournament na idinaos sa Lucca Palasport kasama ang mga team mula sa KOR Firenze, FEA Empoli, LBC Tuscany, CBN Grupo, GBI-TBBG, GI Montecatini, GPII Blue Falcons Montecatini at UGOFW Poggibonsi. 

Sa naturang torneo ay nagwagi ang team ng UGOFW Poggibonsi na pinangalawahan ng CBN-BDO Unibank at GBI-TBBG Firenze. 

MODENA

Ang Rizal Day Anniversary Commemoration ay ginanap ng Knights of Rizal Modena Chapter sa isang simpleng pag-aalay ng bulaklak mula sa kanilang mga opisyal at miyembro sa pangunguna ni Emerson Malapitan bilang Deputy Area Commander ng Italy at mga miyembro ng Knights of Rizal Modena at Kababaihang Rizalista Inc. Modena Chapter sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Lady Winnie Crisostomo at iba pang mga opisyales ng ilang asosasyon sa Modena na kanila ring pinamumunuan at mga miyembro. Ang kanilang pagdaraos ng pagdiriwang ay masayang sinundan ng isang salu-salo kasama ang kanilang mga miyembro at mga mahal sa buhay. 

REGGIO CALABRIA 

Sa pangunguna ng Knights of Rizal Reggio Calabria (Gianfrancesco Gemelli Careri) Chapter ay sinimulan ang paunang selebrasyon sa pamamagitan ng ilang palaro o Winter League sa Reggio Calabria. Ngunti dahil sa pagdating ng masamang panahon ay kinailangang itakda sa ibang petsa ang pinakabuod ng pag-gunita sa isang seremonya. Ito ay gaganapin sa ika-21 ng Enero sa isang Knighthood Ceremony sa E Hotel sa Reggio Calabria. 

 

ni: Carlos Simbillo

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Appreciation Night, handog ng PCG Milan

Central Italy, niyanig ulit ng tatlong magkakasunod na lindol