Tinatayang nasa hanggang 1700 ang bilang ng mga botante sa Roma hanggang noong Abril 19, 2016. Mga balota, ipinadala na sa mga botante. Kailangan muna nilang hintayin ang balota by mail.
Roma, Abril 21, 2016 – Isang paglilinaw ang ibinigay ni Ambassador Nolasco ukol sa pagbabago sa proseso ng pagpapadala ng mga balota sa tinatawag na postal voting. Ito umano ay batay sa pagpapatupad sa mga resolution ng Comelec.
Matatandaang bago simulan ang OAV isang anunsyo ang ipinalabas ng Embahada sa mga nagnanais na matanggap ang balota sa kanilang home address ay kailangang ipagbigay-alam ito sa Special Ballot Reception and Custody Group (SBRCG) hanggang April 22, 2016.
Ngunit bago pa man sumapit ang April 22, simula April 8, ayon sa Comelec Resolution 10087, isang pagbabago ang ipinatutupad ng Comelec kung saan nasasaad na kahit hindi mag-request ang botante ay maaaring ipadala ang balota by mail ng mga foreign service posts.
Ayon kay Ambassdor, bilang pagsunod sa bagong tagubiling ito ay kanilang ‘batch by batch’ na ipinadadala ang mga balota sa mga botanteng mayroong kumpletong home address.
Ano ang implikasyon ng pagbabagong ito sa mga hindi nagsabing ipadala ang balota by mail ngunit ipinadala pa rin sa kanyang tirahan (ayon sa resolution) at nagtungo ng embadaha para bumoto?
“Kailangan muna nilang hintayin ang balota by mail at pagkatapos ay pipili kung personal na ibabalik ang balota o ang ipadala ulit ang balota by mail”.
Bukod dito, isang paglilinaw mula kay Ambassador na inire-report ng Embahada sa Comelec, partikular sa Overseas Voting Secretariat ang lahat ng mga pangalang wala sa listahan ng mga Overseas Voters.
Gayunpaman, mabilis umanong nagawan ito ng paraan – dagdag pa ni Ambassador – kung noon pa man ay sumangguni na sa listahan ng mga Certified Voters.
Narito ang buong interview