Brillante Mendoza (1960), isang batikang direktor ng Filipino film. Nanalo bilang pinakamahusay na direktor sa Cannes noong 2009 para sa pelikulang ‘Kinatay’.
Pagkatapos ng isang magandang karera sa advertising, si Mendoza ay lumipat sa cinema noong 2005, at kinilala agad sa mga international festivals ang kanyang mga pelikula tulad ng Masahista, isang pagtatampok batay sa tunay na buhay ng isang masahistang Filipino gay. Ito ay nanalo sa Locarno Film Festival at nakuha rin nito ang Audience Award sa Torino International Gay & Lesbian Film Festival.
Ang sumunod ay ang Kàleldo (2006), ito ay iniharap sa Extra section ng unang edisyon ng Roma Film Festival at ang Manoro na nanalo sa CinemAvvenire sa Turin Film Festival sa parehong taon. Ang Foster Child, ay isinali sa Quinzaine des Rèalisateurs sa Cannes Festival noong 2007, at si Mendoza ay nagsimulang lumahok sa mga pinaka matagumpay na International film festival. Nagpatuloy ang pagtatanghal sa kompetisyon sa sumunod na edisyon ng Serbis at ang tagumpay noong 2009 sa Kinatay bilang pinak mahusay na direktor. Siya ay sumali rin sa Berlin Film Festival noong 2007, ang Tirador sa seksyon ng Forum, habang ang Lola ay isa sa dalawang sorpresang pelikula sa kumpetisyon ng Mostra del Cinema di Venezia noong 2009.
Bilang pagkilala sa mga pelikula ni Brillante Mendoza, ang Bologna Film Archive ay ipapalabas ang mga pelikula ng award winning Filipino director, Brillante Mendoza, sa Cinema Lumiere mula April 19 hanggang 30, 2011. Sa mga petsang ito, lima ng kanyang mga pelikula tulad ng Kinatay, Lola, Serbis, Masahista at Tirador ay ipapalabas sa orihinal na bersyon na mayroong subtitle. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tungahyan ang www.cinetecadibologna.it