“Wag nating pabayaang maulit muli ang kasaysayan kung saan ginamit ng mga Hapon ang Ligaw Island noong Second World War upang ilunsad ang pananakop sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Southeast Asia.”
Rome, Hulyo 30, 2014 – Sa pangunguna ng ENFiD (European Network of Filipino Diaspora), Bantay West Philippine Sea at ASVI (Associazione degli Studenti Vietnamiti in Italia) ay muling naisakatuparan sa ikatlong taon ang pakikiisa ng mga Pilipino sa Roma sa taunan at malawakang Global Protest Against China kung saan sabay-sabay na nagkakaisa ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng America, Pilipinas, Middle East at Europa.
Kaugnay dito, nagkasama-sama muli ang mga Pilipino sa Roma at sa pagkakataong ito, ang pakikiisa ng mga Vietnamese upang ipaalam sa buong mundo ang kanilang mariing pagtutol sa ginagawang pananakop ng China sa ilang mga isla at reefs sa dalawang bansa.
Sa ginawang rally sa Piazza Esquilino sa likod ng Sta. Maria Maggiore noong July 24, mahigit 200 Pilipino mula sa iba’t ibang filippino communities at filcom leaders, hometown associations at mga organisasyon ang nagsanib pwersa kasama ang mga Vietnamese upang ipagsigawan ang ginawang pagsakop ng China.
Ayon kay Augie Cruz, president ng FACTIR, nakaka-alarma ang ginawang concrete base ng China sa Bajo de Masinloc, isang oras at kalahati lang ang layo sa Puerto Princesa, Palawan sa eroplano na kabilang sa Kalayaan Group of Islands (KIG) ng Pilipinas.
Dahil sa sobrang lapit nito sa Palawan, nakakapangilabot isipin aniya kung masakop ito dahil naroroon ang Malampaya Gas Power plant na nagsu-suply ng power at energy sa Metro Manila.
Ang naglalayag na mangingisdang Pilipino dito ay itinataboy ng water cannons ng mga Chinese vessels upang hindi makalapit sa Bajo di Masinloc kaya nawawalan ng hanapbuhay at nagugutom ang mga mangingisda.
Ayon pa kay Cruz, , may siyam na isla at reef na ang nasasakupan ng China: ang Bajo de Masinloc, Kennan Reef, Calderon Reef, Kagitingan Reef, Gaven Reef, Mabini Reef, Panganiban or Mischief Reef and Zamora Reef batay sa ginawang pagsasaliksik ng The Asian Center and Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea ng Univeristy of the Philippines!
Idinagdag pa ni Cruz na ang Kalayaan Island Group (KIG) at karatig na tubig sa Palawan ay mahalaga sa national security at economic survival ng Pilipinas.
Dahil sa strategic location ng Pilipinas, history ng mga foreign investors at ang fragmented geographical configuration, ito ay kritikal sa Philippine territorial integrity laban sa external threats kaya madaling sakupin ang Pilipinas mula sa dagat.
Bukod dito, mahalaga din aniya ang KIG food security ng Pilipinas dahil napakayaman sa fisheries at ito rin ang nagsisilbing fish breeding areas.
Mahalaga rin ang KIG sa energy security dahil kilala napag-alaman ng may malaking petroleum reserves at minerall deposits na hindi pa nagagalaw.
Sinabi naman ni Lito Viray, presidente ng San Filippo Neri Community, na dapat ipaglaban ang Bajo de Masinloc dahil ang lagoon pa nito ay kasinlaki na ng Quezon City at dito kumukuha ng hanapbuhay ang mga mgangingisda. Simula ng mapasakamay ng China ang Bajo de Masinloc, maraming mangingisda na ang nagugutom dahil hindi na makapangisda dito.
Hinikayat nya ang mga Pilipino sa buong mundo na magsamasama upang tutulan sa pamamagitan ng rally ang pagsakop ng China. May 2 milyon aniyang Pilipino sa Middle East; 800,000 sa Europe; 1.4 milyon sa Asia Pacific Area; 4 bilyon sa United States at dapat umano silang magsanib pwersa.
May malaking bentahe aniya ang mga Pilipino dahil libre nakakagamit ang mga Pilipino ng social network tulad ng Facebook, Twitter, e-mails, testing, at marami pang iba upang ipakalat ang ginagawang pananakop ng China. Sa China, ipinagbabawal ang paggamit ng social network at malaking tulong ito sa mga Pilipino.
Ayaw ng China na masira at sumama ang kanilang imahe sa international community subalit dapat lang umano sabihin ang tooo upang malaman ng buong mundo ang ginagawa ng China sa Pilipinas, dagdag pa nito.
Ayon kay Mher Alfonso, dating founder ng Catangcas, ginawang justification ng Chinese government ang pagbuo ng bagong Chinese prefecture Sansha City na nagbibigay ng jurisdiction sa mga luga
r sa buong South China Sea na tinawag nilang 9-line. Kasama sa sinasabing area of jurisdiction ng bagong prefecture ang ilang bahagi ng Pilipinas kasama ang mga atolls and reefs na kabilang sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ngunit ayon naman sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang maritime area ay dapat 200 miles lang malapit sa pangpang o coast.
Sa naturang rally, nagbigay din mensahe ang isang kabataan, si Gabriel Garcia, isang political science student ng University of Santo Tomas. Sinabi ni Garica na ang pagpunta sa rally ng mga Pilipino ay isang “act of solidarity for a common cause” dahil lahat ay nagkatipon-tipon hindi bilang istranghero kundi bilang anak ng bansang Pilipinas.
Sinabi ni Garcia na ang isinagawang protesta ito ay hindi laban sa mamamayang Chinese kundi sa mga opisyal ng Chinese government na nagpapatupad nito kaya karapat-dapat lamang silang tawaging “bully.”
Dapat lamang aniya na labanan ang mga bullies pero hindi sa pamamagitan ng pagbabanta at karahasan. Tama lang na dalhin ang kaso sa international court of justice upang palakasin ang ating argumento na ang aksyon ng gobyerno ng China ay hindi lang paglabag sa ating karapatan sa ating teritoryo kundi pati pagmamaliit sa international law..
Dapat tanungin ng mga kabataan sa kanilang sarili kung pagmamahal ba sa bansa ang dahilan kung bakit sila sumama sa rally na ipinadarama lamang nila isang beses sa isang taon.
Nakita natin na hinarangan ng Chinese vessels ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas pero wala naman tayong nagawa. Nakakalungkot aniya na may nakikitang mali pero wala marami pa rin ang walang pakialam sa mga nangyayari sa Pilipinas. Ilan pang isla at reefs ang kelangan pang mawala para makuha ang atensyon ng marami. Ang problema ng pag-agaw ng mga isla at reef sa Pilipinas ay isang seryosong usapan at malaking tulong kung ma-educate ang lahat sa mga nangyayari,dagdag pa ni Garcia.
Dati-rati, aniya, ang Pilipinas ay may 7,107 islands. Ngayon, hindi na ito totoo. Maraming isla at reefs na ang nawala at nakuha na ng iba’t ibang bansa at hindi na malaman kung ilan na ang natira. Hindi lang China ang may kasalanan sa pagkawala ng ating isla. Ang mga Pilipino rin aniya ay may kasalanan kung bakit ito nawala.
Nagbigay rin ng pahayag sa ginawang protesta sina Vinh Quan at Nguyen Duc Thien mula sa Vietnamese community, Romulo Salvador mula ENFID, Ariel Lachica mula FEDERFIL, Jhun Landicho mula Task Force OFW at Rowena Flores mula Migrante-Umangat. (Raquel Romero Garcia )