in

Mga Pilipino, nakiisa sa pagdiriwang ng World Day for Migrants and Refugees

Dumalo ang mga Pilipino sa ginanap na World Day for Migrants and Refugees sa St. Peter’s Square. Mensahe ng Santo Padre: “Huwag pabayaang nakawin sa inyo ang ligaya ng pamumuhay”.

 

Roma, Enero 18, 2016 – Daan-daang mga Pilipino ang nakiisa sa pagdiriwang ng World Day for Migrants and Refugees kahapon sa St. Peter’s Square.

Sa pangunguna ng Santa Pudenziana (Sentro Pilipino) ay dumalo at nakiisa ang Filipino community sa Roma kasama ang libu-libong mga migrante ng iba’t ibang nasyunalidad para sa Angelus prayer sa pagdiriwang ng World Day for Migrants and Refugees.

Isang mahalagang mensahe ang hatid ng Santo Padre kung saan hinihikayat ang mga migrante at refugees na huwag hayaang ang mga paghihirap ay maging hadlang sa pag-asa at ligaya ng pamumuhay.

Dear migrants and refugees, each of you carries a story, a culture, precious values; and unfortunately often experiences of poverty, oppression and fear. Your presence in this square is a sign of hope in God.”

Huwag ninyong pabayaang nakawin ang ligaya ng pamumuhay”, dagdag pa sa Santo Padre.

Sa kanyang pananalita ay ipinalangin rin ng Santo Padre ang mga naging biktima ng pag-atake ng extremists sa Burkina Faso at Indonesia at ang pagsusumikap ng international community bilang suporta upang makamit ang pagkakasundo at kapayapaan.

Ipinagdiwang din ng mga dumalo ang Jubillee of Mercy, tinunghayan ang Holy Door at nakiisa sa pagdiriwang ng banal na misa sa St. Peter’s Basilica matapos ang Angelus prayer.

Matatandaang ilang araw pa lamang ang nakakalipas, matapos buksan ng Santo Padre ang holy door sa hostel “Don Luigi Di Liegro” sa Termini Rome ay sinorpresang bisitahin ang halos 30 matatanda sa isang nursing home di kalayuan sa Roma.

Tulad ng mababasa sa website ng Jubilee “Ang biglaang pagbisitang ito ay ikinagulat ng lahat at sa pagkakataong ito ay ipinaunawa ng Santo Padre ang halaga ng kanyang mga salita laban sa “kultura ng pagtanggi” at ang halaga ng mga matatanda at mga lolo at lola sa Simbahan at sosyedad”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pre-enrollment para sa school year 2016-2017, simula na

Ika-36 Anibersaryo ng PDBA Palermo, ipinagdiwang