in

Mga Pilipino, pinaka apektado ng lockdown sa Milan – Caritas

Ang mga Pilipino ay ang komunidad ng mga dayuhan na pinaka apektado ng lockdown sa Milan. Ito ay ayon sa ulat na “La povertà della Diocesi Ambrosiana” ng Caritas Milan na inilunsad ngayong araw. 

Ang ulat ay tumutukoy sa panahon ng lockdown at first wave ng Covid19, simula March 25 hanggang July 31 kung saan may kabuuang bilang ng 1774 katao ang lumapit at humingi ng tulong sa 84 (kabuuang 3890) mga Centri di Ascolto ng Caritas Ambrosiana, dahil sa matinding paghihirap sa panahong nabanggit. 

Sa bilang na nabanggit, 59.3% ay mga kababaihan at 61.7% naman ang mga dayuhan. Ang edad ay nasa pagitan ng 35 anyos at 54 anyos (58.4%). Ang karamihan, 55% ay mga mag-asawa, habang ang mga walang trabaho ay isa sa bawat dalawang katao na may trabaho at karamihan ng mga lumapit sa Caritas ay mga nasa Cassa Integrazione.

Ayon sa ulat, ang higit na apektado ng lockdown ay ang mga nasa laylayan na ng lipunan na itinuturing na mahihirap, partikular ang mga dayuhan.

Sa lahat ng mga dayuhan, ang mga Pilipino ay ang higit na apektado sa Milan dahil karamihan ay nasa service at domestic sector.

Sa mga buwan ng lockdown, umabot sa 17.2% ang mga lumapit na Pilipino sa Centri di ascolto, at lumalabas na nangungunang komunidad na humingi ng tulong sa Caritas Milan habang noong nakaraang 2019 ay 1% lamang ang mga Pilipinong lumapit sa Caritas. 

Bukod sa serbisyong nabanggit, ang Caritas Ambrosiana ay namigay din ng relief goods sa 18,092 katao, sanitary items sa 5564 pamilya, psychological support sa 359 katao, tulong sa distance learning sa 359 mag-aaral at nagbigay ng personal computer sa 98 afterschool service ng mga Parokya. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Italya, nasa Scenario 3 ayon sa CTS

ako-ay-pilipino

Quarantine o Isolation, ano ang tamang gamit sa dalawang salita?