in

Mga Pilipino, pinakamalaking komunidad sa Milan

Mga Pilipino (33,000), mga Instik (19,000), Sri Lankans, Pakistanis at Bangladeshis: isang imigrante bawat tatlong mamamayan ay buhat sa Oriental countries. Mga Pilipino, triplikato ang bilang sa huling 13 taon, ayon sa Dossier ng Caritas.  

Rome, Hulyo 12, 2012 – Higit sa 232,000 ang mga dayuhang buhat sa Asya ang naninirahan sa pagitan ng kapatagan at sa mataas na bahagi ng Region, kung saan isang imigrante bawat limang mamamayan ay nagbuhat sa Asya. Sa Lombardy Region lamang ay 30% ang mga Instik, Pilipino, Sri Lankans, Pakistanis at Bangladeshis na kasalukuyang nasa Italya. Sa datos na ito, ang 35% ay matatagpuan sa Milan, kung saan isang imigrante bawat tatlong mamamayan ay nagbuhat sa mga bansang nabanggit. Ang Milan, ay ang kapital ng mga Pilipino, na sa ilalim ng mga tore ng katedral ay umaabot sa 33,000, ang pinaka malaking komunidad na matatagpuan sa lungsod, na triplikato ang bilang sa huling 13 taon. Ang ulat ay buhat sa Asia-Italia, scenari migratori, sa loob ng Dossier Statistico ng imigrasyon, hatid ng Caritas Italiana.

Mga relihiyoso at mga mahuhusay na manggagawa, ang mga Pinoy ay ang pangunahing tagapa-dala ng pananampalataya, at dahil dito ay binuksan ang mga pinto ng iba’t ibang parokya upang gawin ang banal na misa sa wikang tagalog o ingles. Ngunit ang pagiging relihiyoso ng komunidad na binigyang diin ng direktor ng Caritas na si Father Roberto Davanzano ay hindi lamang ang nag-iisang katangian ng komunidad kundi ang matibay na family ties ng mga ito na syang dahilan ng patuloy na pagdagsa ng mga anak, kapamilya at kamag-anak sa lungsod ng Milan.

Ang komunidad ay maituturing nabinubuo ng mga kabataan: ang 23% ay may edad na mas mababa sa 18 anyos at 7,866 naman ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na mag-aaral, higit na malaki kaysa sa bilang ng mga Instik. “Karamihan ng mga kabataang ito, ang kanilang murang edad ay ginugol sa Pilipinas – paliwanag ni Meri Salati, ang tagapangasiwa ng research – at pagsapit ng adolescent period ay nagtutungo sa Italya upang makasama ang mga magulang. Ito ay dahilan ng trabaho maging upang mapanatili ang kultura at wikang Pilipino sa kanilang paglaki”.

Iba naman ang mga katangian ng bagong henerasyon ng mga Instik, na nagmumula hindi lamang mula sa timog na baybayin ng bansa, ngunit maging mula sa probinsya ng hilaga ng Beijing. Mayroong 18,946 Intsik ang naninirahan sa lungsod ng Milan, samantala 46,000 sa buong Lombardy Region. "Karaniwang walang contact sa mga naunang henerasyon ng mga Intsik – paliwanag ni Elisa Maria Giunipero, propesor ng Catholic Unversity – dahil dito ay mas mahirap para sa kanila ang integrasyon, dahil kulang ng pundasyon. Ngunit para sa lahat ang pangarap ay ang makabalik sa sariling bansa”. Dahil dito, isang grupo ng mga Instik ilang taon na ang nakakalipas ang natulog sa kalsada, sa Arco della Pace, upang mapatalsik ng awtoridad.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asia-Italia Scenari Migratori, inilunsad

Dalawang Italyano, bilanggo dahil sa hate crime