Kasama ang iba pang migrante, ay nakiisa ang mga Pilipino sa isinagawang rally sa Reggio Calabria noong nakaraang Mayo 1, Araw ng mga Mangagawa.
“Nais naming magtrabaho na may karapatan at dignidad”, sigaw ng mga rallyista sa demonstrasyong isinagawa ng Unione Sindacale di Base (USB) sa Reggio Calabria.
Nilahukan din ang nasabing rally ng iba’t ibang nasyunalidad tulad ng mga Moroccans, Senegalese, Sri Lankans, Mauritians, Ukrainians at iba’t ibang asosasyong Pilipino sa Reggio Calabria tulad ng FASCURAI na pinangunahan ni bise presidente Romy Lafuente, Ilocano Community o ICOM ni Rey Rubudal, Forza Filippine ni Bhong Manongsong, Filcom Reggio Calabria ni Lourdes Delmendo, FILRECA ni Robert Flores at Fasscassi at Federfil – South Italy sa pamamumuno ni Ginang Carmen Perez na binigyan ng pagkakataong magsalita.
Binanggit ni Perez ang tungkol sa mahal na halaga ng ticket ng autobus na nagkakahalaga ng 1,50 euro sa loob lamang ng 75 minuti, ang mababang sweldo ng mga lavoratori, mabagal na pag release ng permesso di soggiorno at ang hindi pagbibigay ng contratto ng mga datori di lavoro o ang lavoro nero.
Bukod sa mga nabanggit, ay kabilang ang mga sumusunod sa mga hinaing ng ating mga kapwa manggagawa sa Reggio Calabria.
- Trabaho at sweldo na may dignidad para sa lahat;
- Bahay at serbisyong panlipunan para sa lahat;
- permesso di soggiorno per motivi umanitari para sa mga refugee;
- karapatan sa garantisadong sweldo;
- karapatan sa paninirahan at carta identità;
- at ang importante sa lahat ay ang karapatang magkaron ng buhay na may dignidad.
Leni Vallejo