in

Mga Pinoy, boluntaryong naglinis ng Piazza Garibaldi sa Cagliari

Isang grupo ng mga residenteng Pinoy ang nakunan ng litratong boluntaryong naglilinis ng piazza Garibaldi sa Cagliari ang mabilis na kumalat sa social network. 

 

Cagliari – Mabilis na kumalat sa social network ang litrato ng mga Pinoy na nakunang naglilinis ng pizza Garibaldi sa Cagliari kamakailan, ayon sa ulat ng Sardegna oggi. 

Dala ang mga timba at walis ay makikitang muling ibinalik ng mga Pinoy ang linis at orihinal na kulay ng plasa pati na ang hagdan nito. 

Ang piazza Garibaldi ay nagsisilbing ‘salas’ ng Sardinian capital at maituturing na paboritong hang out ng mga Italians pati ng mga dayuhan kung saan ang karamihan ay nagpapalipas ng oras o namamahinga. 

Ngunit ilang linggo na ring tila nalimutan ng Comune ang paglilinis sa hagdanang inuupuan ng mga mamamayan. Dahilan ng boluntaryong paglilinis ng mga Pinoy na residente sa harapan ng Riva school na nagbalik ng linis, kintab at inaasahang magbabalik muli ng sigla ng plasa. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto vaccini, batas na!

Bagong visa at permit to stay program, nakalaan para sa mga investors