in

Mga Pinoy crew ng Costa at mga Ofws sa Roma, nagsalu-salo

altNakarating ng maluwalhati ang first batch ng mga Pinoy crew members na lulan ng MV Costa Concordia (108) sa Pilipinas kahapon. Inaasahang darating ang ikalawang batch (74) ngayong araw na ito. Kasalukuyang paalis naman ang ikatlong batch (108) at ang huling maliit na grupo ay inaasahang aalis sa Sabado.

Di pa rin magkamayaw sa tinuluyang hotel, sa isang tila huling althapunan ng mga naiwang Pinoy crew, ang buong staff ng Embahada ng Pilipinas sa Italya sa pangunguna ni Ambassador Virgilio Reyes, ang staff ng Embassy to the Holy See sa pangunguna ni Ambassador Mercedes Arrastia Tuason, at mga aktibong asosasyon, grupo, mga Pinoy leaders at Pinoy Councillors kagabi.

altPatuloy ang dating ng mga tulong mula sa sapatos, medyas, damit panloob, jackets (dahil sa kasalukyang panahon sa Italya), bags at mga luggages. Maiinit na sabaw, lugaw, kanin, biscuits at mineral water naman ang kahilingan ng mga nakaligtas sa trahedya at mga loads upang kanilang marinig rin naman ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas na patuloy ang pag-aalala sa sinapit nila.

Muli ay pinatunayan ng mga Filipino ang magandang kaugaliang Pinoy, ang Bayanihan saan mang sulok ng mundo sa oras ng pangangailangan. Kung kaya’t walang humpay rin naman ang pasasalamat ng mga Pinoy crew ng Costa Concordia sa mga ofws sa Roma at sa buong Italya.

Damang dama pa rin ang ‘trauma’ sa sinapit na trahedya, kung kaya’t sa pangunguna na mga kaparian ay isang Thanksgiving mass ang ginanap kahapon sa Parrochia Madonna di Loretto Fiumicino sa pangunguna sina Monsignor Jerry Bitoon at Fr. Ricky Ignacio.

Ayon sa mga crew ng nasabing crusie ship “Kaunting ingay at bahagyang movement lamang sa gabi, nagigising pa rin kami”, dala ng takot at pangamba sa sinapit na trahedya na tila sikat na pelikula ang “Titanic”.  

“Masaya na rialtn kami kahit papaano, hindi rin naman kami pinabayaan ng pamunuan ng Costa Concordia, at inaasahan namin na ang lahat ng kanilang mga ipinangako ay aming tatanggapin”, ayon kay Philip Sullevan, 35 taong gulang ng Restaurant Department.

Samantala sina Ms. Annabella M. Oliveros, Labor Attache to Milan, and Mr. Alexander E. Querol, SVP and Chief Operating Officer of the Magsaysay Maritime Corporation, na dumating sa Roma kahapon, kasama ang Embahada ay hinarap naman ang usapin ukol sa trabaho tulad ng kontrata, compensation at sahod na haharapin ng mga crews sa pagbalik sa bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Populasyon sa Italya, lumalago dahil sa mga imigrante

Ano ang pagkaka-iba ng marriage license at marriage contract?