China, respect the rights of other nations, China, Philippine oil belongs to the Filipinos, China, stop stealing Philippine territory, China, respect the U.N. law of the Seas.
Rome, Hulyo 30, 2013 – Ito ang ilan sa mga slogans na isinigaw ng mga Pilipino sa Roma sa ginanap na Protest Rally against China’s Intrusion in the West Philippine Sea.
Tinatayang pumalo sa higit 1,500 ang mga Pilipinong dumalo at nakiisa sa Protest Rally against China noong nakaraang Huwebes sa isa sa pinaka-kilala at makasaysayang plasa sa Roma, ang Piazza del Popolo sa kabila ng matinding init ng sikat ng araw. Dito ay sama-sama at may iisang hangarin ang bawat Pilipino, bata man o matanda, ang gisingin at ipaalam sa buong mundo ang tahasang pananakop ng China sa mga isla sa Kalayaan Islands na, by geographical location, ay nasasakupan ng Pilipinas.
Ganap na alas 5 ng hapon ay sinimulan ang ‘rally’ – rally na binigyan ng bagong depinisyon ng araw na iyon ng mga Pilipino dahil sa pakikisa higit ng mga kabataang halos sa bansang Italya na ipinanganak at ipinaglalaban ang yaman ng kanilang kinabukasan. Rally na binigyang kulay ng kulturang Pilipino, sa pamamagitan ng orasyon o ang sama-samang panalangin ng buong sambayanan pagsapit ng ika-6 ng gabi; ang pagbuo ng human flag na sumisimbolo sa isang bansang malaya; ang human NO na sumisimbolo sa pakikibaka ng bawat Pilipino sa loob at labas ng bansang Pilipinas upang ipaglaban ang Kalayaan Island; at ang pag-aalay sa Inang Bayan ng mga awitin at sayaw mula sa mga kabataan.
“Ang pagdagsa ng mga Pilipino noong Huwebes buhat sa iba’t ibang relihiyon, komunidad at grupo na hindi inalintana ang init at pagod ay sapat ng senyales ng nagkakaisang sambayanan”, ayon sa Comunità Filipina di Roma (CFR) sa pangunguna ni Mher Alfonso, overall coordinator.
Malaking tagumpay ng mga Pilipino sa Roma at buong Italya maituturing ang resulta ng nasabing rally. Bukod sa unang-unang pagkakataon ay pinahintulutan ang mga Pilipino na ipahayag ang kanilang ipinaglalaban sa Piazza del Popolo gayun din, huwag kaligtaan ang pagkakaisang ipinakita, marahil sa unang pagkakataon, sa iisang rally ng iba’t ibang political groups, relihiyon, grupo at asosasyon na sama-samang naghanda sa napaka-igsing panahon lamang.
Kasabay ng ginawang candle ceremony ay inilunsad ang “Bantay Isla Movement” upang higit na gisingin ang kaalaman ng mga Pilipino sa ipinaglalaban.
Ang ginawang rally ay bahagi ng global day of protest na pinamunuan ng US Pinoy for Good Governance (USP4GG) na ginanap noong Hulyo 24 sa United States, Asya, Middle East at Europa. Batay sa report ng USP4GG, target ng China na makuha ang isla ng Recto Bank kung saan may 213 billion barrels ng langis at 2 quadrillion cubic feet ng natural gas dito. Ayon sa huling ulat, nasakop na rin ng China ang Ayungin Reef, ang gateway patungong Recto Bank.
Samantala, nagpahayag ng kanilang paninindigan ang ilang leaders sa Roma:
“L’archipelago delle Isole Spartlys è composto da oltre 100 piccole isole che oltre ad essere un patrimonio paesaggistico e naturale, sono fonte di guadagno per i nostri pescatori che oggi non possono entrare in quell’area perchè bloccati dale navi military Cinesi. Questa manifestazione non vuole essere intesa come una minaccia, ma vuole soltanto rivendicare un diritto del popolo filippino sulla proprietà del territorio,” Felix ‘Jun’ Landicho.
“Bagong Alyansang Makabayan and Umangat Migrante condemns in the strongest words China’s intrusion in Panatag and Kaingin shoals which lies within the Philippine’s Exclusive Economic Zone (EEZ) in the West Philippine Sea. We also demand that China desist from warlike manifestations in the said area and participate in seeking for a peaceful solution with the affected nations, including the Philippines under the arbitrations of the United Nations”.
“Questa manifestazione pacifica è la posizione ufficiale di tutti i Filippini nel mondo contro l’aggressione manifestata dal primo giorno della creazione della prefettura cinese di Sansha City che secondo loro avrebbe giudizione su quasi l’intero mare del Sud della Cina. Questa loro posizione è tutto sbagliato ed è la sola e l’unica soluzione è una pacifica dialogo tra due paesi al rispetto di UNCLOS – United Nations Convention on Law of the Sea. Quindi diciamo STOP al comportamento da bullo del governo cinese”, Romulo Salvador.
“We gathered here today, binded by a single voice, with the same intention, strengthen by the love of our country and our love for our children and their future. My objective is to win your hearts, to arouse even more your patriotism and to invite everyone of you to become heroes and defenders of the integrity of our country. Never we will claim these islands in dispute with China, for it is not logical to claim what is really ours, instead we will defend it, we will fight for it and we will do ita s we say, “ang mamamatay ng dahil sa ‘yo”, Bong Rafanan. (larawan ni: Boyet Abucay)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]