Napabayaan ng administrasyon ang villa sa via San Tommaso Cannizzaro sa Messina ngunit ibinalik ng mga Pilipino ang kalinisan nito.
Minsan pa ay ipinakita ng komunidad ang pagiging bahagi ng sosyedad at ang pagpapahalaga sa lugar at mga mamamayan na tumanggap sa kanila. Ito ay matapos ‘punan’ ng Filipino community mula sa Movimento Sportive Popolare, isang sports association, na pinangungunahan ni Angelo Minissale, ang mga naging pagkukulang ng administrasyon.
Sa kabila ng matinding buhos ng ulan ay ibinalik ng mga Pilipino sa Quasimodo villa sa via Tommaso Cannizari ang kalinisan matapos tuluyang mapabayaan ng kasalukuyang administrasyon.
“Isang magandang ehemplo ang ginawa ng komunidad lalong higit para sa mga Messinesi. Ito ay tanda ng tunay na integrasyon at kanilang nakita ang pangangailangang nakalimutan ng administrasyon”, kommento ni Alessandro Cacciotto, isang konsehal ng Comune di Messina.