in

Mga Pinoy leaders sa Roma, nakiisa sa CGIL, UIL at CISL

Isang sit-in sa harapan ng Prefettura sa Piazza SS. Apostoli  sa Roma. Nakiisa din ang mga Filipino leaders.

altRome, Pebrero 16, 2012 – Araw ng Huwebes ang napiling araw para sa isang sit-in sa harapan ng Prefettura sa Roma bilang protesta sa over taxing sa issuance at renewal ng mga permit to stay ng mga dayuhang naninirahan sa Italya. Ito ay upang ipahatid rin ang kahilingang pahabain ang validity ng mga permit to stay ng mga nawalan at kasalukuyang naghahanap ng panibagong trabaho.

Ito ang mga hinaing ng mga pangunahing labor unions (Cgil, Cisl at Uil) sa gobyerno na nangakong sa lalong madaling panahon ay kikilos at pag-aaralang muli ang pinatutupad na overtaxing o ang noo’y 72.12 euros para sa renewal ng mga permit to stay, na sa ngayon ay umaabot sa 152.12 at 272.12 naman para sa mga carta di soggiorno.

“Bilang isang Institutional representative ng mga imigrante sa Roma, ako ay naniniwala sa tamang ipinaglalaban ng malalaking labor unions sa Italya, ang ipaglaban ang hinaing sa isang hindi makatarungang over taxing sa issuance at renewal ng mga permit to stay”, ayon kay Romulo Salvador, ang kasalukuyang konsehal na Filipino sa Roma Capitale.

alt“Hindi sapat ang anim na buwang validity ng permit to stay para sa mga naghahanap ng trabaho, tama para sa akin ang hilingin ang isang taong validity nito”, para naman kay Bong Rafanan ang Municipal Councilor sa Cassia area (Municipio roma XX).

Samantala, damang dama naman ni Irma Tobias, ang kasalukuyang presidente ng KAMPI  ang mabigat na epekto nito sa ating mga kababayang nagre-renew ng kanilang permit to stay. “Napakabigat para sa isang nawalan ng trabaho ang magbayad ng 152.12 euros para sa isang dokumentong may 6 na buwang validity. Napakabigat din para sa isang pamilya – sa mag-asawa at mga anak nito –  ang paga-aplay ng carta di soggiorno. Kahit pa hindi apektado ng overtaxing ang mga minors, higit pa rin sa 500,00 euros ang kakailanganin”.

Ipinangako ng ministro na si Anna Maria Cancellieri ang pagkakaroon ng mga pamantayan tulad ng laki ng pamilya at halaga ng sahod para sa pagpapatupad na ito ng bagong buwis. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling salita pa lamang ito at isang magandang hangarin na pinaniniwalaan at hinihintay ng milyong milyong mga dayuhang naninirahan sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas, may pinakamataas na kaso ng leprosy

Mga dapat gawin sa pagdadalang-tao ng isang walang permit to stay