in

Mga Pinoy lumahok sa taunang STRAMILANO

Isa sa layunin ng Stramilano ay ang hikayatin ang bawat indibidwal na maging sports minded.

Milan, Abril 9, 2015 – Sa tuwing buwan ng Abril, isinasagawa ang STRAMILANO o ang half marathon fun run sa Milan. Ang mga lumalahok dito ay tumatakbo sa mga pangunahin lansangan ng siyudad.

Ito ay isa ring paraan upang hikayatin ang bawat indibidwal na maging sports minded. Daan-daang libong mga tao ang lumahok sa STRAMILANO, kasama na rin dito ang mga Pilipino.

Nahati ang fun run sa tatlong kategoriya: 5km run, 10 km run at ang pinakamalayo ay ang 21.097km. Maraming lumahok sa bawat kategoriya kasabay nito ang pagpapalipad ng mga libu-libong kulay puting lobo.

May mga nabansagang “doctor clowns” sa starting point na nagpatawa at hinahabol pa ang bawat runner. Bukod dito, ay kung anu-ano pang mga nakakatawa ang ginawa ng mga ito upang libangin ang mga runners.

Hindi lamang mga bata at matanda ang lumahok sa fun run, may mga sanggol ring sakay sa kanilang stroller, mga may kapansanan, pati na rin ang mga alagang aso.

Marami ring grupo na galing sa mga karatig siyudad ng Milan. Isang grupo ng mga Pinoy na dala ang bandila ng Pilipinas na kanilang iwinagayway sa paglahok sa naturang fun run.

 

 

Mayroon ding mga pamilya kasama ang kanilang mga kaibigan na, ayon sa kanila, ay mga miyembro ng “Elite Milan”.

Si Lea, isang Pilipina, kasama ang dati niyang italian employer, ay magkasamang lumahok sa naturang marathon. Ayon sa Pinay, itinuring na rin siyang miyembro ng pamilya ng mga ito. Napilitan lamang humanap ng ibang trabaho matapos pumanaw ang ama na kanyang pinagsilbihan.

Si Arlene, ay isang ina na kasama ang kanyang anak na binatang may kapansanan, si Gianpaolo, 15 anyos na lumahok kasama ang mga volunteer students na tumutulong sa mga may kanpasanan. Ayon kay Arlene, lagi niyang isinasama ang anak sa mga ganitong pagtitipon upang ma-expose sa komunidad at mapag-ibayo pa ang pakikipaghalubilo sa mga tao.

Tanghali na nang matapos ang fun run. Masaya ang lahat dahil napatunayan lalo na ng mga matatanda na kahit sila ay nagkaka-edad na ay nagagawa pa rin nilang makipag-sabayan sa mga kabataan sa larangan ng sports partikular na ang marathon.

ni: Chet de Castro Valencia

Photos: Mariz Salazar

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga aplikasyon sa Regularization, rerebisahin sa Brescia

Medalya ng Maratona di Roma 2015, obra maestra ng isang Pinoy