Tinatayang humigit kumulang sa 150 mga Pilipino mula sa Roma, Milan at iba’t ibang bahagi ng Italya at buong mundo ang nakibahagi sa one-week sports event ng Acea Run Rome The Marathon 2025, partikular sa mga kaganapang ginanap kahapon March 15 at ngayong araw, March 16 bilang bahagi ng programang Rome Running Week at Jubilee 2025.
Kahapon, Sabado March 15, namataan na ang mga atletang may bitbit na bandila ng Pilipinas sa ginanap na Acea Water Fun Run, non-competetive race kung saan 20,000 katao ang dumalo, kasama ang mga pinakabatang miyembro ng pamilya pati ang mga alagang hayop.
Ngayong araw naman, March 16 ay ginanap ang Acea Run4Rome relay race, kung saan may 1,000 koponan, kabilang ang anim mula sa Athletica Vaticana, ang koponan ni Pope Francis. Ang karerang ito ay nagsusulong ng kawanggawa sa tulong ng 37 Non-Profit Organizations.

Sa kauna-unahang pagkakataon, 28,000 runners ang sasabak sa maraton, mas madami ng 10,000 athletes kumpara noong 2024.
Kabilang na dumalo sa dalawang araw na sports event ang mga sumusunod ng Pinoy Clubs & organization:
- AV 34’ Club (NL)
- Runaway Milan
- Pinoy Runners Dubai
- Pilipino Runners Modena
- PURI ASD
- Pinoy Runners Firenze
- Pilipino Runners Roma
- GS Maiano
- LBM Sports
- Canada Group
- EPIC (Ireland)
- Pinoy Runners USA
- ASD Maze Runners
- Pinoy Runners Milan
- Pinoy Runners Abu-Dhabi
- Pinoy Runners Netherlands
- Vicenza Marathon Club
- Pinoy Runners Barcelona
- Italia Marathon Club
- Pinoy Runners Bay Area (California)
- Life is Good Tri Club Chicago
- Runner New Jersey
- LIG Tri Club Washington
- ASD Atletica Latina
Partikular, karangalan din para sa mga Pilipino ang makasama ang anim na mga pinakatanyag na pacers sa buong mundo, kabilang sina Fil-Irish na si Rolando Espina, Fil-Canadian Miguel Garcia, at ang Santa Teresa Pacing Team na binubuo nina JC, Jeantee, Kara at Cathleen Santa Teresa mula sa New York. Ang mga pacers sa marathon ay may mahalagang papel sa pagtulong sa mga kalahok na maabot ang kanilang target na oras sa pagtatapos ng marathon. Sila ay inspirasyon para sa lahat ng kalahok!

Samantala, hindi rin matatawaran ang malaking kontribusyon at pagmamalaki ng filipino community sa Cheer Station (29 km). kung saan nagbigay kulay at sigla ang Pinoy Teens Salinlahi sa mga competing Pinoy marathoners. Sabay ng wagayway ng ating bandila, ang sayaw at tugtuging sariling atin ay tila nagbigay lakas sa bawat atletang Pinoy na dumaan sa naturang bahagi ng marathon. Ang mga miyembro ng Pinoy Teens Salinlahi ay mga kabataang ipinanganak sa Italya at sa kanilang murang edad ay nagsusulong ng kulturang Pilipino dito sa Roma.


Ayon sa post ni Alona Cochon, ang filipina organizer ng Run Rome The Marathone, si Lorenzo Castro Jr, residente sa Florence, ang top Filipino runner 2025.
Ang Acea Run Rome The Marathon 2025 ay hindi lang isang kumpetisyon bagkus ito ay isang makasaysayang kaganapan na nagbubuklod sa libu-libong katao mula sa 127 bansa sa diwa ng unity, sports at solidarity.

(mga larawan mula kay Alona Cochon maliban sa unang larawan)