in

Mga Pinoy, nagbolontaryong maglinis ng parke sa Varese

Nagbolontaryong maglinis ng parke sa via Pista Vecchia ang filipino community sa Varese. “Una bella giornata di comunità” ayon kay Assessor Dino De Simone. 

Ayon sa ulat ng Varesenews, maaga umanong dumating ang halos tatlumpung mga Pilipino na kumpleto sa mga kagamitan tulad ng walis, daspan, basurahan, pintura at iba pa, sa layuning bolontaryong linisin ang parke sa Via Pista Vecchia.

Ang 30 katao ay nahati sa iba’t ibang grupo: ang ilan ay nagsimulang magliha sa mga upuan upang matanggal ang mga sulat at lumang pintura nito at pagkatapos ay pininturahan ang mga ito; at ang iba naman ay namulot ng mga bote, plastik at ang mga nagkalat na basura.

Una bella giornata di comunità” ayon kay Assesor Dino De Simone. “Isang magandang paraan upang pangalagaan ang publikong lugar na nakalaan para sa lahat. Ako ay nagpapasalamat sa filipino community sa kanilang desisyong bigyang handog ang ating lungsod ng isang araw ng paglilinis sa isa sa mahalagang parke ng lungsod”, aniya.

 

Ito ay aming pasasalamat sa lugar kung saan nagkaroon kami ng pagkakataong magsama-sama, kasama ang aming mga pamilya”, ayon kay Bong Teves, ang representative ng komunidad.

Ayon kay Bong, nag-oorganize siya ng basketball sa Varese tuwing summer at pagkatapos ng laro ay sama-sama ang lahat na nagpupunta sa parco.

May kanya-kanyang dalang pagkain, naglalaro ang mga bata at dun na kami nagpapalipas ng hapon ng linggo, kasama po ang iba’t ibang grupo ng mga pilipino”, dagdag ni Bong.

Noong matapos po ang awarding, naplano ko pong mag buo ng ‘servizio volontariato’. Sa tulong po ng isang kaibigan ay nakausap namin ang porta voce ng Sindaco ng Varese. Nag-propose kami ng aming  project na paglilinis sa tulong na din ng iba’t ibang grupo ng pilipino dito sa Varese at mga individual ay naisakatuparan po namin ng maayos at maganda yung project“.

Sa katunayan ngayong darating na linggo, Sunday, Sept.22, ay tatapusin ng filipino community ang sinimulang parke.

Ito ay isang magandang halimbawa mula sa isang integrated community na nagbigay ng panahon at oras para sa ating lungsod ng Varese”, ayon kay Assessore Roberto Molinari.

Kaugnay nito, nagpahayag na din ang filcom na hindi ito ang una at huling pagbobolontaryo ng komunidad na nagpahiwatig ng hangaring maglinis din sa ibang parke ng lungsod.

Sa ngayon po mas lalong dumadami yung mga nagiging interesado sa aming programa“, pagmamalaki ni Bong Teves.

 

PGA

source: VareseNews

photo courtesy: Roderick Ulanday

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Reddito di Cittadinanza, pending pa rin ang mga aplikasyon ng mga dayuhan

ISTAT: Higit 1.3 milyong dayuhan ang mga naturalized italian citizen sa taong 2018