in

MGA PINOY, NAKISAYA SA CARNEVALE AMBROSIANO!

Panahon, nakisama…

Matapos makaranas ng halos isang linggong pag-uulan,.. gumanda ang panahon noong Sabado sa huling araw ng tatlong araw na selebrasyon ng carnevale ambrosiano, ang carnevale sa Milano.

Ikinatuwa ng mga Milanesi at mga migrante ang pakikisama ng panahon upang ma-enjoy ang carnevale ambrosiano.  Nakisaya at nakigulo din ang mga Pinoy sa festive season na isineselebra  bago magsimula ang kuaresma .

Ayon sa ilang Pinoy, ipinagdasal nila ang pagkakaroon ng magandang panahon upang maipagdiwang ang carnevale.  Ang ilan naman ay lumiban na sa kanilang mga trabaho upang madala ang kanilang mga anak sa Piazza Duomo upang ma enjoy ang carnevale.

Dumagsa sa Piazza Duomo ang napakaraming pamilya kasama ang kanilang mga anak na nakasuot ng ibat ibang kasuutan o kaya naman ay nakamaskara.

Pabonggahan din ang mga batang Pinoy sa kani-kanilang costume.

Bagamat sa ibang lugar, ang carnevale ay isineselebra sa mga araw bago sumapit ang  Ash Wednesday,  kadalasan ay nagtatapos sa araw ng Martes kung kailan isineselebra ang Mardi gras (Fat Tuesday), ang pagdiriwang ng carnevale sa Milan o ang carnevale ambrosiano ay nagtatapos sa araw ng Sabado  (Samedi gras o fat Saturday)  matapos ang ash Wednesday. Gayunman, kadalasan ang carnevale ay nagsisimula sa unang araw ng Linggo bago sumapit ang ash Wednesday.

Ayon sa mga pag aaral, ang carnevale ay nagmula sa Italian word ’carne levare’ na ang ibig sabihin  ay alisin ang karne dahil ipinagbabawal ito tuwing kuaresma sa mga katoliko.

Ayon naman sa Late Latin expression  , ang ­’carne vale’ ay farewell to meat nangangahulugang ito na ang mga huling araw na maaaring  kumain ng karne bago sumapit ang fasting season.  (Zita Baron)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AY, KATULONG LANG

300,000 pondong laan para magbigay ng discount sa lahat