in

Mga Pinoy, nangunguna sa listahan ng mga migrant volunteers sa pagbisita ng Santo Padre sa Milan

Nangunguna sa listahan ang Filipino Community sa mga nagboluntaryong imigrante, kasama ang Indian, Ecuadorean, Brazilian communities at iba pa. 

 

Milan, Pebrero 20, 2017 – Sinimulan na ang countdown sa nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa Milan na nakatakda sa March 25

Kaugnay nito, ay mabusising naghahanda ang Diocese of Milan. Partikular ang ginagawang pangangalap at pagtanggap sa mga boluntaryong mag-aasiste sa pinakahihintay na araw. Sila ang haharap sa mga dadalong panauhin, tutulong mapanatili ang kaayusan at katahimikan pati na rin sa pagpapanatiling maluwag na daloy sa daanan partikular sa Parco di Monza, Piazza Duomo at San Siro. 

Tinatayang kakailanganin ang higit sa 3,000 volunteers ayon sa Diocese. Ngunit laking tuwa ng tanggapan dahil ang bilang ng mga nagboluntaryo at magbibigay ng serbisyo sa pagdalaw ng Santo Padre ay umabot na 3,600 katao

Tumugon sa panawagan ang mga residente ng Milan 38%, sinunda ng Monza 19%, Rho 16%, Varese 11%, Sesto 7%, Lecco 5% at Melegrano 4%.

Bumaha rin ang mga nagboluntaryong mga imigrante. Nangunguna sa listahan ang Filipino Community kung saan nagpatala bilang boluntaryo ang higit sa 300 katao. Kasama ang Indian, Ecuadorean, Brazilian communities at iba pa. 

Ang kanilang positibong tugon ay patunay lamang ng pananabik ng maraming mananampalataya buhat sa iba’t ibang parokya, asosasyon at mga grupo na tutulong sa maayos na pagpapatakbo ng serbisyo sa pamamagitan ng kolaborasyon”, ayon kay Manuel Valerio, ang coordinator ng mga volunteers. 

Samantala, sinimulan na ang online briefing sa mga volunteers. 

 

source: Il Giorno Milano

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ONE BILLION RISING sa Bologna, isang Pagpupunyagi ng mga Kababaihan laban sa Karahasan

Buwis ng permit to stay, sinimulang ibalik sa mga imigrante