in

MGA PINOY SA ROMA, ISANG ARAW NG HUWEBES ….

Kaganapan ng isang araw ng Huwebes, aktibong partisipasyon sa religious, cultural, social at political issues.

Kinikilalang ang mga Pinoy ay ganap na masipag. Kadalasan ay nalilimutang isingit ang sarili sa daily routine. Bukod sa trabaho at pamilya, tunay na nararamdaman din ang pagiging aktibo ng bawat Pilipino sa religious, cultural, social and polical issues dito sa Roma.

Kahapon, isang napaka normalPna araw ng Huwebes, umikot ang ‘Ako ay Pilipino’ upang tunghayan ang araw na kadalasan ay araw ng pahinga ng mga mangagawa.

altVia Urbana, Santa Pudenziana  Sentro Filipino – Sa tulong ng mga kaparian, binibigyan unang una sa lahat ng pagkakaton ang ating ispirituwal na pangangailangan sa pamamagitan ng banal na misa. Bukod dito, napag-alaman ng ‘ako ay pilipino’ ang regular na pag-pupulong ng mga community leaders ng limang clusters bilang paghahanda sa mga okasyon tulad ng Flores de Mayo sa darating na May 29.

“Maraming mga initiatives para sa mga Filipino mula sa iba’t ibang community, para sa pamilya at mga kabataan, inaanyayahan ang lahat na makiisa” ayon kay Fr. Velos.

Nakapiling din sa pagpupulong ang mga konsehal ng Roma, sa imbitasyon ng Chaplain na si Fr. Romeo Velos, upang talakayin ang isang ‘open letter’ na kumakalat sa buong Italya, ukol diumano sa pagiging promutor ng mga ito sa pagtatanggal ng middle name sa lahat ng dokumentong italyano ng mga Filipino sa Italya. Tulad ng inaasahan, marami pa rin ang hindi nakaka-alam ng buong kaganapan.

“Kami ay narito po sa inyong pakikipagtulungan”, sagot naman ni Konsehal Bong Rafanan sa patuloy na katanungan ng mga Pinoy sa nasabing pagtitipon.

Makikita naman sa labas ng simbahan ang ASLI, isang asosasyon na nakabase sa Santa Pudenziana upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pinoy sa pag-sasaayos ng iba’t ibang dokumentasyon dito sa Roma.

Valtia Medaglie d’oro, Phil. Embassy to Italy– Makikitang labas pasok ang mga officers ng PIDA (Phil. Independence day Association) sa kanilang paghahanda naman sa gaganaping pagdiriwang ng Phil. Independence day. Halos handa na ang lahat at ito ay sa pakikipag tulungan ng Embahada, mga konsehal sa Roma at ng mga community leaders. Gaganapin sa darating na June 13 sa piazza Ankara, Flaminio, kaya naman puspusan din ang kanilang mga pagpupulong.

Sa labas naman ng embahada ay may mga Pinoy na nagwe-welga upang ipa-kansela ang Circular 29 ng Ministero dell’Interno at hingin na muling ibaba ang bayarin sa renewal ng pasaporte. May mga mega phones upang isaad ang kanilang kakaibang pananaw at hinaing sa haharaping hirap sa muling pag-sasaayos ng kanilang mga dokumento. Isang isyu na hindi na bago sa pandinig ng lahat.

“Hindi na ba natapos ‘yan, lalo lang nahihirapan ang marami… hindi na maintindihan ang gagawin”, ang hinaing ni Aling Ester habang nasa fermata pagkatapos lumabas sa kanyang trabaho malapit sa Embahada.

Ito ay isang patunay lamang na ang mga Filipino sa Roma ay namumuhay ng may ugnayan sa iba’t ibang institusyong Pilipino at pati ng bansang  kumukupkop sa kanila sa kasalukuyan, ginagamit ang kakayahan at karapatan upang harapin ang hamon ng buhay… (by: PINOY AKO)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ASLI PUMIRMA NG KASUNDUAN SA CONSIGLIO REGIONALE TOSCANA

MONGO GUISADO, rich in nutrients and inexpensive ingredients