in

Pinoy sa Toscana patuloy ang Tulong sa mga Biktima ng Kalamidad sa Pilipinas

Firenze, Dis 27, 2012 – Ang halagang € 1,300 euros o 69,000 pesos ang pondong nalikom ng UKP  Litrato Klub Firenze sa kanilang proyektong “Habagat Concert” ay ipinagkaloob kina Salome Nanoz 3rd year high school scholar at Ms. Nemia Villaflor kinatawan ng “Association for the Rights of Children in South East Asia” (ARCSEA Philippines), noong nakaraang Nobember 29, 2012. 

Ang ARCSEA ay isang non-governmental organization na nabuo sa isang proyekto ng ARCI Cultura e Sviluppo (ARCS-Italy) noong 1997 sa pagpapataas ng antas ng Philippine General Hospital na resulta ng kasunduan ng Italya at Pilipinas.  Isa sa mga Daycare Center ng ARCSEA sa Marikina ang lubhang nasalanta ng baha ng Habagat, nasira lahat ang kanilang mga kagamitan sa pagtuturo, kaya ninais nilang magkaroon ng ikalawang palapag ang naturang Daycare.  Isinagawa ang pagbibigay tulong sa opisina ng Honorary Consulate sa pangunguna ni Simona Amerigi-Consulate staff, UKP Pres. Juancho Aquino, Litrato Klub Pres. Rolando Escalante at mga miyembro, CONFED Ms. Divina Capalad, Ms. Lidija Dominikovic ng  ARCI at UNICOOP Firenze.

“Isa pong malaking pasasalamat sa tulong na aming natanggap mula sa UKP Litrato Klub at sa ating mga kababayan dito sa Toscana, sa ARCI at UNICOOP,  isa pong malaking kaginhawaan sa ating mga batang mag aaral kapag natapos ang ikalawang palapag ng daycare at lalo po namin pagsusumikapan ang pag gabay sa kanila”, masayang pahayag ni Ms. Nemia Villaflor.

Di pa man ganap na nakakabangon ang ating mga kababayan sa mga kalamidad,  isa na naman mapinsalang Bagyong Pablo ang nanalanta sa Mindanao, malubhang napinsala ang Davao Oriental, libo ang namatay at libo pa rin ang nawawala na nabaon sa makapal na putik at mga troso.  Bukod dito lahat ng kabuhayan ng ating mga kababayan ay nawala rin.  Si Ms. Sentiche Remotin ng Firenze na taga Mati, Davao Oriental ay nag organisa ng isang bayanihan para sa kanyang mga kababayan katuwang sina Mr. Elmer Clemente founder/President ng TAMPCI-The Amazing Movement for People’s Care Inc. at Alvin Umahon, upang makalikom ng pondo para itulong sa mga biktima.  Ang TAMPCI ay isang NGO na naka base sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan na ang pangunahin adhikain ay makatulong sa mga less furtunate school children sa Bulacan sa kanilang “Tuloy Aral Program”. Sinimulan ni Ms. Remotin ang bayanihan sa pagbibigay ng kangyang perang napanalunan sa Videoke Challenge ng Filcom, Empoli noon Disyembre 09,2012. 

Nagkaroon din ng mga boxes for donations sa mga Phil. Banks at sa maikling panahon ang naging bayanihan ay nakalikom ng halagang €950.00 euro o 51,000 pesos na ipinadala sa pamamagitan ng BDO Bank.  Dalawang malaking balikbayan box ng pagkain at kasuotan ang kasamang naipadala.  Pinasasalamatan ang mga tumulong sa bayanihan mula sa UKP Litrato Klub, ADIF Prato, Bgy. Empoli, Linda Ibay, Jopay Caibigan,Ruby Ablog, Jhun Santos, Bobby Villanueva, Willy Punzalan,Roberto Domingo, Friends of Sentiche, BDO Donations Box at BDO Manager Gil Baldovino.  “Ang tulong ninyo ay Buhay, Maligayang Pasko sa lahat” ayon sa organizers. (ni: ARGIE GABAY)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SENTICHE REMOTIN, Kampeon sa “Barangay Empoli Videoke Challenge 2012”

“Sisterakas”, nangunguna sa takilya