in

Mga Pinoy, Wagi sa World of Dance Italy 2025!

Wagi ang galing ng mga kabataang Filipino-Italians sa katatapos lamang na World of Dance Italy 2025, kung saan humakot ng mga parangal sa iba’t ibang kategorya ng prestihiyosong kumpetisyong ginanap sa Roma.

Junior Division Champions

Sa Junior Division, apat na pangunahing parangal ang naiuwi ng mga kabataang Pilipino mula Roma. Kabilang dito si Andrew Magahis, 17 taong gulang at anak nina Dennis at Girlie Magahis, na nanguna sa Solo Junior Division, at nag-uwi ng 1st place trophy.

Hindi rin nagpahuli ang Portugal siblings — ang tatlong anak nina Jenny at Choi Portugal na tunay na nagningning sa entablado:

  • Kyle Portugal, 24 anyos, ay hinangaan sa KPOP Division, at iginawad sa kanya ang Crowd Favorite Award.
  • Ang ICON TWINZ na sina Keith at Christopher, 17 anyos, ay kinilala sa kanilang natatanging estilo at disenyo ng kasuotan sa Duo Junior C Division, kung saan nasungkit nila ang Best Costume Award.
  • Si Keith Portugal rin ang nag-uwi ng 1st place sa Solo KPOP Division — pangalawang sunod na taon niya itong tagumpay!

Ani ni Mami Jenny Portugal, “Napalitan ng tuwa ang lahat ng puyat at pagod. Sobrang proud ako sa tatlo kong anak!”

Pinoy Talent sa Team Division

Sa TEAM Division, kung saan 34 na grupo ang naglaban-laban, tumindig din ang husay ng mga grupo na may pusong Pinoy:

BARKADA
  • Barkada, isang grupo mula North Italy, na nagpamalas ng kakaibang performance na may halong tinikling — at nagtapos bilang 3rd placer sa Team Division! Si Patrick ang choreographer, kasama ang kanyang kapatid na si Gabrielle.
  • Hermes Crew, isang all-Pinoy dance crew mula Roma, na pinangungunahan nina Allen Gunda at Jeff Creus.
  • LD New Code, na pinamunuan ni Kevin Castillo bilang choreographer.
HERMES
LDNEWCODE

Pinoy sa Panel of Judges

Hindi lang sa entablado naging kapansin-pansin ang galing ng mga Pinoy. Isa rin sa mga hurado ng kumpetisyon ay ang Fil-Am choreographer na si Shaun Evaristo, isang kilalang personalidad sa international dance community.

Naging tampok din sa kompetisyon ang mga kilalang Pinoy choreographers sa Italya, gaya nina:

  • Mark Magsino
  • James Floreando
  • Daniele Cipriano

Ang kanilang presensya at kontribusyon ay patunay ng lumalawak at lalong lumalakas na impluwensiya ng Filipino sa larangan ng HipHop at contemporary dance sa Italya.

Isang malaking karangalan para sa Filipino community sa Italya ang mga tagumpay na ito. Muli, pinatunayan ng mga kabataang Pinoy na saan man sa mundo — ang galing, sipag, at puso ng Pilipino ay nangingibabaw

Ang World of Dance Italy ay bahagi ng mas malaking international dance platform na World of Dance (WOD) — isang prestihiyosong kumpetisyon na pinagmulan ng mga global sensations gaya ng Jabbawockeez at Les Twins. Layunin ng WOD Italy na piliin ang mga pinakamahusay sa bansa upang kumatawan sa World of Dance Championships sa internasyonal na antas.

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Basilica di Santa Maria Maggiore, sentro na rin ng atensyon ng mga deboto!