in

Mga Siklista sa Roma, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo

Mga Siklista sa Roma, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo

Tinatayang 90 mga siklista ang nakiisa at pumadyak para sa makasaysayang pagdiriwang sa St. Peter’s ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas. 

Ang mga grupo ng mga bikers sa Roma, ang Ilocano United Bikers, FCR, UDC, WERPAX at MTB, kasama rin Ang dalawang bikers ng OFW Watch Italy, ay nagkaisang sama-samang pumunta sa Vatican City, habang dala ang bandila ng Pilipinas. 

Ang iba’t ibang grupo ay nagtipon-tipon din upang makiisa at i-celebrate ang ika-500 taon ng kristyanismo sa Pilipinas at bilang Pilipino na pinakamaraming kristiyano sa Asya”, ayon kay George Corpuz, ang kinatawan ng Ilocos United Bikers. 

Karangalan naming makasama ng mga samahang Padyakers ng Roma. Ito ay isang pagkakatapon na hindi dapat kalimutan ng bawat Pilipino. Nandito kami sa San Pietro upang makiisa sa napakahalagang araw na ito”, ayon kay Max Aguillon na kinatawan ng WERPAX. 

Ayon kay Bong Rafanan ng grupong IUB at kinatawan ng OFW Watch Italy ay naisipan nila ang sama-samang pumadyak papunta sa Vatican City dahil sa limitadong bilang ng mga Pilipinong makakasok sa basilica, 100 katao lamang para sa misa. Bukod dito, ay 2,500 lamang ang may pahintulot naman sa Vatican Square para sa Angelus. 

Ito ay sinang-ayunan naman nina Jimpee Palagud ng grupong FCR, Regie Castillo ng WERPAX, Erick Sebastian, Gene Basilio at Felix Celeste ng UDC, at Arnel Tagelo ng IUB. Kasama rin sa inisyatibang ito ang grupo ni Eric De Jesus na Filipino Runners Bikers Roma, Pinoy MTB Enthusias Roma at Pi.MER na kinabibilangan nina Vlogger Penny, Jarex Briones at Turistang Mangyan. 

Nabanggit din ni Jimpee Palagud, isa sa mga organizers, na “minsan lang siguro mangyayari itong makasaysang okasyong ganito sa ating buhay dahil siguradong ang susunod na pagdiriwang na naman ay pagkatapos ng maraming daang taon na mangyayari“.

Ang mga siklista, ay nagmula sa Ponte Milvio – Roma Nord at sama-samang nagpunta sa Vatican City, nakiisa sa pagdiriwang at nag-abang din sa bendisyon ng santo Padre sa Angelus sa Vatican Square. 

Pinasalamatan din ni Father Ricky Gente Chaplain ng Sentro un Pilipino Chaplaincy. ang mga siklista sa kanilang pakikiisa sa makasaysayang padiriwang. (Bong Rafanan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

zona rossa decreto Ako ay Pilipino

FAQs ukol sa bagong dekreto mula March 15 hanggang April 6

Santo Padre, pinangunahan ang misa ng mga Pinoy para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas