in

Mga Siklistang Pilipino sa Roma, nagka-isa para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal

Pumadyak ang mga siklistang Pilipino sa Roma upang ipadama ang pakikiisa sa mga nasalanta nang pagputok ng Bulkang Taal.

Pinangunahan ng Filipino Cyclists In Rome (FCR) ang inisyatibong Bangon Batangas – Ride For A Cause, nitong nakaraang linggo, 19 enero 2020, na sinuportahan naman ng mga iba pang mga grupo ng mga siklistang pilipino sa lungsod ng Roma tulad ng Ilocos United Bikers (IUB), Pinoy Bikers Community of Rome (PBcR), Ultimate Distance Riders (UDR) at iba pang mga grupo.

Nagpasalamat ang taga-pagsalita ng Filipino Cyclists in Rome, Jimpee Palagud, sa lahat ng mga tumugon sa paanyaya na makilahok sa inisyatibang ito. “Pilipino tayo kahit nasaan mang sulok  tayo ng mundo, at sa mga pagkakataong kailangan ipakita at ipadama ang pagtulong kung may mga sakuna sa ating mahal na bayan ay dapat tayong gumalaw,iabot ang mga kamay upang kahit maliit ay makatulong.”, ani ni Jimpee Palagud, Bayanihan at Kapit-bisig para sa BANGON BATANGAS, BANGON CAVITE

Nagpahayag din nang pagdamay ang presidente ng Ilocos United Bikers, Arnel Tagelo, nabanggit niya na “Salamat dahil maraming nakiisa sa inisyatibang ito. Sana ay lagi tayong nagkakaisa sa pagtulong sa ating mga kababayan sa oras nang pangangailangan“.

Umabot sa higit €900 ang kabuuang halagang nalikom ng grupo. (ni: Demetrio ‘Bong’ Rafanan)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanatoria, patuloy na pinag-aaralan ng Viminale

Code of Ethics sa Domestic Job, narito na