Naghahanap ng researchers at writers sa wikang Tagalog ang Migreat Community sa Spain at Germany.
Rome, Hunyo 19, 2015 – Ang Migreat Communities ay isang plataporma na layuning bigyang-tuon at halaga ang mundo ng migrasyon sa pamamagitan ng pinakamahalagang instrumento nito, ang impormasyon. Ang Migreat Communities, sister website ng Ako ay Pilipino, ay ang unang lugar kung saan ang mga susunod at kasalukuyang migrante sa isang siyudad ay maaaring lumikha ng kanilang social relationships at network.
Kasalukuyang pinapalawak ang Filipino community platform (www.migreat.com) sa Spain at Germany, partkular sa Barcelona at Berlin, dahil dito ay naghahanap ng dalawang (2) Pilipino na susulat sa wikang tagalog sa ilulunsad na Migreat para sa Filipino community sa dalawang bansa.
Pangunahing responsabilidad ay ang pagsusulat ng mga pangunahing paksa tulad ng
- Serbisyo;
- Komunidad;
- Tahanan;
- Paglalakbay;
- Paninirahan;
- Edukasyon;
- Pananalapi; at
- Trabaho
Bukod sa pagiging bihasa sa pagsusulat sa Tagalog ay mahalagang konektado rin sa Filipino community ng dalawang bansa. Kinakailangan ang mga karagdagang katangian tulad ng:
- pagnanasang saliksikin at unawain ang pangunahing problemang hinaharap ng mga bagong dating na Pilipino sa Spain at Germany
- karanasan sa trabahong editorial (pahayagan, blogging o ibang pang uri ng media)
- kaalaman sa SEO at social media
Magpadala lamang ng cover letter, updated biodata at test article.
Ang Migreat ay naglunsad ilang buwan pa lamang ang nakakalipas sa Italya, partikular sa Rome at nalalapit na rin ang paglulunsad ng pinaka-aabangang Migreat Community sa UK.
Narito ang mahahalagang link para sa mga aplikante mula sa Berlin, Germany at mula sa Barcelona, Spain para sa karagdagang impormasyon at aplikasyon.