in

Mille Colori, sa ika-limang taon

Sa ika-limang taon ng “Mille Colori”, ay muling aktibong nakiisa ang mga kabataang Pinoy tulad sa mga nakakaraang taon. 

Roma, Oktubre 23, 2013 – Ginanap noong October 13 sa Stadio dei Marmi, Rome kung saan muling nagpakitang gilas ang 12 kabataang Pinoy kasama ang mga kabataang buhat sa halos 30 bansa sa buong mundo sa one day soccer league o ang “Mille Colori”. Ang mga batang manlalaro ay may edad mula 7 hanggang 10 taon. 

 
Hangarin ng paligsahang ito, bukod sa kasiyahang dulot ng pagsasama-sama, ay ang ipakita na ang mga kabataan ng ikalawang henerasyon ng bawat bansang lumahok ay mayroong pagkakaisa maging sa larangan ng sport at ang adhikaing maipakita na ang Italya ay may masidhing determinasyon sa integrasyon ng mga migrante na naninirahan sa bansa. 
 
Ang "Mille Colori" o Thousand Colors ay inilunsad limang taon na ang nakararaan sa pangunguna ni Massimo Morezzi ng asosasyong A.S.D. Giochiamoapallone. Sa tulong naman ng mga Konsehal na Pilipino sa Roma Capitale at ng Western Union, ay patuloy, taun-taon ang pakikiisa ng ating Ikalawang Henerasyon sa proyektong tulad nito. 

Pinangunahan nina Coach Cyrille Keith Ferrer, at ni preparatory Coach Sandro De Marinis ang grupo. Samantala ang mga manlalaro naman ay sina Kian Ramses Abdon, Jireh Angelo Buno, Michael Calamba, Mark Calamba, Joseph Virtucio Cabral, Carlo Enrico Dorado ; Dhilan de Castro, Kristofer Gomez, Aries Daniel Lacorte at Gian Alessandro Rivera.
 
Masaganang hapag ang naghihintay sa lahat ng mga kabataang manlalaro matapos ang liga. Taos pusong pasasalamat naman sa mga magulang na kusang-loob na naghanda ng mga ito para sa malaking salu-salo.
 
Nagbigay-aliw din sa publiko ang Pinoy Teens, isang grupo ng mga kabataang Pilipinong mananayaw ng cultural dances na tunay naman hinangaan ng lahat ng dumalo. (larawan ni Boyet Abucay at ulat ni Elchor Rebong Ferrer)
 

Mga Kabataang Pinoy, lumahok sa Mille Colori

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fibre Filippine go to Rome – Ipinagmamalaki ng mga Pinoy

CONSULAR AT POLO OUTREACH MISSION NG PHILIPPINE EMBASSY ROME SA CATANIA, NAGING MAKASAYSAYAN