in

Mind Master, 3 day event para sa Chess at Dama

Pinangunahan ng Adda Association sa kolaborasyon ng I colori del Mondo Comune of Inzago ang ginanap kamakailan na “Mind Master”. Ito ay 3 araw na sports day na nakalaan sa chess at dama na ginanap sa Inzago Sports Center.

Panauhing pandangal sina Chess Grandmaster Eugene Torre at ng kanyang maybahay na si Maria Lina Torre at ang Dama Italian Master Alessandro Ferrari. At dahil dito ay nagkaroon ng chess direct play with Grandmaster Eugene Torre at Dama with Master Alessandro Ferrari sa ginanap na 3 day event.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang ay matagumpay na naipakilala ang bagong asosasyon Grandmaster Eugene Torre Association International Italy o GETCAI sa suporta ng ibang asosasyon gaya ng Eagles Milan Chapter na pinangungunahan ng presidente na si Emmanuel Beltran, Angels for Filipino na pinangungunahan ni presidente Lory Evano, Inzago Bocciofilo Association, Dama Association ng Romano Lombardia.

Dinaluhan din ang pagdiriwang ng mga bagong chapter ng Rome, Getcai Rome chapter, sa pangunguna ni presidente Marcial Dandoy at Chess International Master Virgilio Vuelban, kasama ang Getcai Milan Chapter sa pangunguna naman ni presidente Khim Quintos.

Layunin ng bagong asosasyon ang pagtuturo sa mga kabataan at kapwa filipino ng chess at dama na ating laro magmula pa sa ating sariling bansa. Ito ay upang mabigyan ng ibang hobby ang mga kabataang filipino kaysa mabaling sa masamang bisyo.

Isa sa mahalagang adhikain ng asosasyon ay ang makapagpatayo ng school of chess sa ibang panig ng Italya at Europa at dahil dito ay inaasahang magiging sanhi ito ng social integration para sa mga Filipino. Adhikain din ng asosasyon ang mabigyan ng suporta ang mga atletang filipino na dumadayo sa Italya.

Bukod sa mga nabanggit, layunin din ng bagong tatag na asosasyon ang magkaroon ng taunang palarong pambansa ng chess sa Pilipinas pati ang magkaroon ng provincial chess at dama championship. At bukod sa matutunan ang chess ng mga kabataan ay magtuto din ng pagiging referee, tagapagturo at marami pang iba.

Sinimulan ang opening ceremony ng bagong Milan Consul General Susan Natividad at dinaluhan din ng Vice Mayor at Sport Assesor ng Inzago, representative ng Circolo Matteotti at ng mga butihing sponsor na sumuporta sa pagdiriwang.

Naging bahagi ng programa ang pagbibigay parangal sa dalawang kabataang migrante: Kyle Abarintos dahil sa academic excellence na unang naitala sa paaralan kung saan nagaaral at Sabina Bosco dahil sa kanyang sport accomplishment.

Nagkaroon din ng ‘Pinoy caravan’ para sa promosyon ng mga produktong sariling atin.

Ang Getcai ay naitatag sa pangunguna ng mga founders na sina Grandmaster Eugene Torre, Ana Bel Mayo, Virgilio Vuelban ng Roma, Lory Evano, Leo de Jesus, Gerardo Barria, Mediatrich Adurru, Khim Quintos, Nerie Guevarra ng Milan, Divina Capalad ng Firenze, Cris Molinyawe Esquivel ng Genova, Dittz de Jesus ng Bologna.

Ane Bel Mayo

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2 Pinoy, ligtas sa nangyaring bangaan sa Tangenziale Modena-Sassuolo

Disability Pension, para rin sa mga dayuhang mayroong permit to stay