in

Mindoreñans Volleyball League: Hatid ay saya at pagkakaisa

Nagsama-sama sa isang buong araw ang mga kasapi, kapamilya, at kaibigan ng Mindoreñans Group of Florence para magtagisan ng kanya-kanyang galing at abilidad sa larangan ng volleyball. Ginanap ang nasabing sportsfest araw ng linggo, ika-8  ng buwan ng setyembre 2018 sa Parco delle Cascine sa Firenze.

Ang ideya ng palarong ito ay nagsimula sa isang katuwaan at libangan lamang ng mga taga-Mindoro  nitong nakaraang summer. Nang lumaon ay napagkasunduan ng mga organizers sa pangunguna nina Joel Macaraig, Joel Torino at Lovino Ortega na magsagawa ng isang paliga ng Volleyball na maaring lahukan ng mga miyembro ng samahan.

Bandang alas 9:30 ng umaga ng opisyal na magsimulaangintercolorsportsfest. Bago magsimula ang palaro ay nagkaroon muna ng maiksing programa sa pangunguna ni Arlene Abutin bilang emcee na sinundan ng parada ng lahat ng mga kasaling apat na koponan. Pambungad ang inspirational Talks ng Presidente ng CONFED Tuscany na si Divina Capalad at ng Confed Committee Head on Sports na si Pabs Alvarez. Mainit naman ang pagtanggap sa lahat mula sa mga namumuno sa Mindoreñans na sina Pres. Joel Macaraig, Vice Pres. Joel Torino, at Adviser Leovino Ortega.

Ang mga koponan ay binubuo ng: RED TEAM – sa pamumuno at Muse na si Myrna Castillo BLACK TEAM – sa pamumuno at Muse na si Mayeth Axalan BLUE TEAM – sa pamumuno at Muse na si Lolit Ortega WHITE TEAM – sa pamumuno at Muse na si Ethel Torino.

Sa unang salang na laro, ang magkatunggali ay ang BLUE TEAM at BLACK TEAM naangnagwagiayang BLACK TEAM. At sa pangalawang salang na laro ay ang RED at WHITE TEAM na ang nag wagi ay ang RED TEAM. Naging mainit at masaya ang paglalaro ng mga nasabing participating teams. Sa CHAMPIONSHIP GAMES ay lalong naging masaya ang paghaharap ng mga nanalong teams mula sa 1st Game and 2nd Game. Nagtagisan ng galing ang BLACK at BLUE TEAM sa final game. Malaki ang agwat ng BLUE TEAM sa 1st half subalit hindi pinanghinaan ng loob ang Black team sa kabilang parte ng net na unti unting nakahabol at sa huli ay siyang tinanghal na Champion.

Hindi nagtapos ang Intercolor Volleyball sa pagwawagi ng Black team sapagkat ito ay itinuloy sa isa pang laro na tinawag nilang FRIENDSHIP GAME sa pagitanngRedSoilatMindoreñans Group. Ito ay dagdag kulay lamang sa palaro na may layuning pagtibayin ang pagkakaisa ng lahat. Nagwagi ang Mindororeneans Group at ginawaran naman ng Special Award ang Team ng Red Soil.

Taos-pusong pasasalamat ng lahat sa tagumpay ng sportsfest na ito dahil na rin sa pakikipagtulungan ng bawat isa. Congratulations sa lahat ng nanalo.

1st place – Blue team

2nd Place – Red Team

3rd Place – White Team

Pasasalamat din sa mga nagsilbing mahuhusay na Referrees sa palarong ito na sina Mr. Orlando Ortega at Erick Abutin.

Sa parteng pangwakas ay nagbigay ng mahalagang mensahe ang panauhin mula sa Ako ay Pilipino – Central Italy na si Quintin Kentz Cavite Jr. Ayon sa kanya, bakas sa mukha ng bawat isa ang kakaibang sayang hatid ng inisyatibang ito ng samahan at ito ay isa lamang na patunay na ang espiritu ng pagkakaisa ay nasa isang tabi lamang kung ito ay nanaisin ng bawat isa at bibigyan ng pagkakataong pumasok sa puso ng lahat.

 

Arlene Abutin  – Santo Rosario-Firenze

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cagliari, 2 Pinoy nasagasaan habang tumatawid sa Pedestrian Lanes

Mga dapat malaman ukol sa Kanser sa Suso