in

Misang alay para kay Fr. Pops Tentorio, isang pagpugay ng mga Pilipino sa Milan

altMILAN,  Italy.  Dumagsa ang mga Pinoy sa “Tribute Mass for Fr. Fausto ‘Pops’ Tentorio, ang Italian missionary priest na pinatay sa  Arakan Valley, North Cotabato noong Oktubre a-17, 2011.

Ang concelebrated mass na nilahukan ng  apat na paring Italyano at talong paring Pilipino ay bilang pagpugay sa kabutihan at  pagmamahal ni Fr. Tentorio sa mga lumads sa Mindanao.

Ang misa ay upang ipaabot din ang pasasalamat ng mga Pilipino sa Milan sa pamilya Tentorio  gayundin ang maiparamdam naiwang  pamilya na ang kawalan ng butihing pari ay kawalan din ng mga Pilipino.

Dinaluhan ang espesyal na misa  ng dalawang kapatid ni Fr. Pops na sina Felice  at  Mariella.

Gayundin,  nina Consul General Lourdes Tabamo at Labor Attache’ Anabella Oliveros.

Sa sermon ni Pontifical Institute for Foreign Mission (PIME) Italy coordinator Fr. Bruno Piccolo,  isinalaysay nito kung paano minahal ni Fr. Pops ang mga Manobo.  Si Fr.Pops ang nagdala sa mga Manobo ng    eskuwelahan,  at naghatid ng medical at social services at nagmulat sa mga ito na ang bawat buhay ay banal at ang bawat  pagtitiis ay may kapalit na  kaginhawahan.

altSa panayam sa kapatid na si Felice  Tentorio,  emosyonado nitong ikinuwento kung paano sila nangungulila sa kanilang kapatid, gayundin kung gaano kalaki ang kanilang pagkasabik na makitang muli dito sa Italya si Fr.Pops nang ito ay nasa misyon pa sa Pilipinas.

 Naiiyak pa nitong sinabi na bagamat  humupa na ng bahagya ang sakit ng kanyang pagkawala,.. hindi kailanman mabubura ito.

 Si Fr. Fausto ayon pa sa kanyang kapatid ay  lagi pa ring nasa kanilang alaala bagamat alam umano nila na hindi na ito kailanman babalik.

At bilang pagpapatuloy sa nasimulang adhikain sa Pilipinas ni Fr. Pops , isang organisasyon daw ang kanilang itinatag para dito.  Ito ay ang “ Non dimenticati Fr. Fausto”.

Samantala,  naging sentro din ng banal na misa ang paghahatid sa altar ng mga nalikom na barya ng “ A Coin from the  Heart- Una moneta dal Cuore”  project na  pinangungunahan nina Chie Irlandez at Domingo  De Ocampo  upang makatulong sa pagpapatuloy ng mga naiwang proyekto ni Fr. Pops sa mga Manobo sa North Cotabato. (ni: Zita Baron at larawan ni Ruel de Lunas)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carnevale dei Popoli, ginanap sa magkakaibang plaza sa Milan

35,000 seasonal workers, aprubado!