Unang pagsali pa lamang ni HONEY MAE GAPO ng Mantova sa larangan ng pagandahan agad niyang nakuha ang korona. Ang titolong “Miss Philippines-Italy 2010 na handog ng “Socio Culturale and Sport di Firenze” sa pangunguna ni Pres. Pablo Alvarez at Alvin Umahon. Si Honey Mae ay ipinanganak sa Bulacan sa bayan ng kanyang ina ngunit lumaki at nag aral sa Fiat Lux Academe sa Imus, Cavite hanggang first year high school at dito na sa Italya nagpatuloy ng pag aaral.
Siya ngayon ay nag aaral ng accountancy o ragioneria sa Montava. Ang naturang beauty contest ay ginanap noong Septembre 26, 2010 sa Teatro Puccini sa Firenze. Labing dalawa na nag gagandahan dilag ang lumahok mula sa ibat ibang siyudad ng Italia sila ay sina Alexia Bautista, Connie Lapinid, Dinilyn Lagman, Sheryl Gasic, Honey Mae Gapo, Jasmin Aquino, Lea Chim Cayog, Nalla Valeria Reano, Gretha Bautista, Katherine Hernandez, Katrine Santiago at Leslie Ann Leynes. Pangunahin bisitang pandangal ay sina Consul General Danilo T. Ibayan at Honorary Consul Dr. Fabio Fanfani, dumalo rin ang ibat ibang Filipino leaders ng mga community at association sa Tuscana.
Magagaling at respetado ang mga hurado na kinabibilangan nina Mr. Loenardo Pinon, Katherine Dimaerel, Cesar Calangan, Ms. Abby Barrion at Marvin Caraig. Nakamit ni Sheryl Gasic ang Best in Gown, Best in Sportwear ay si Dinilyn Lagman, Best in Swimwear si Lea Chim Cayog, Miss Photogenic si Honey Mae Gapo at Miss Close-up Smile at Miss Charity si Katherine Hernandez.
Puno ng manonood ang Teatro Puccini hanggang sa katapusan ng contest patunay na suporta sa mga kandidata ng mga kamag anak at mga kaibigan na nag bubunyi ng tawagin na ang top five. Pati mga bisitang Italyano ay masasaya sa nakitang galing, ganda at talino ng mga Pilipina.
Napasakamay ni Katherine Hernandez ng Modena ang 4th runner-up, si Lea Chim Cayog ng Firenze ang 3rd runner-up, Jasmin Aquino ng Firenze ang 2nd runner-up, Sheryl Gasic ng Prato ang 1st runner-up at ang bagong reyna si Honey Mae Gapo. “I enjoyed the experience, I have known new friends whom I still talk with even after the competition. I would like to thank my friends and relatives who supported me all through the pageant…I felt the love they have for which I never expected they would give inspite of the distance of Mantova to Firenze, thank you also to the organizers and to my kababayan in Firenze wika ni Honey Mae”.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng Participants sila ay Beauty at Matatalino, sa mga PARENTS sa boong suporta sa kanilang mga anak. Ang layunin ng proyektong ito ay upang ipamulat sa mga kabataan ang tamang pag uugali at pakikisama sa ating kapwa, tayong mga OFW dito sa Italya ay masasabing masurwete na kahit malayo tayo sa ating BAYAN at abala sa ating mga trabaho ay nagagawa pa rin nating magsama sama sa ganitong okasyon. Muli ang aking pasasalamat sa mga sumuporta sa Neos Finance, Nerissa Sea Foods, BDO Remittance, RCBC Telemoney, PNB Florence, Cash & Carry Firenze, UMAC Sea Cargo, Mr. Oscar Lopez, Mr. Obet Masicat, Mr. Gil Velasquez, Mr. Cris Buenafe , sa mga host sina Justin Galgana, Willy Punzalan at Olive Sarmiento,sa pag Choreograph ni Romel Tecson at sa Direction ni Alvin Umahon pagtatapos ni Pres. Pablo Alvarez.” (Argie Gabay – AAP)