in

Misteryosong pagkamatay ng isang 22 anyos na Pilipina, iniimbestigahan sa Perugia

pagkamatay Pilipina sa Perugia

Naging laman ng mga pahayagan sa rehiyon ng Umbria ang pagkamatay ng isang Pilipina sa edad na 22-anyos.  

Nakaramdam umano ito ng sakit ng iba’t-ibang parte ng katawan. Matapos konsultahin ang family doctor ay uminom ito ng cortisone. Pero ikinagulat ng lahat ang biglang pagkamatay ng pinay, dahilan upang magsagawa ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon. Ayon sa mga unang ulat ng mga carabinieri, ang binawian ng buhay ay walang anumang karamdaman. Ang natatanging naireport ay ang inindang sakit ng katawan bago sumapit ang bagong taon. Mismong mga magulang ang nakadiskubre ng bangkay sa higaan nang ang mga ito ay umuwi sa bahay mula sa kanilang trabaho. 

Palaisipan sa mga magulang ang nangyari dahil nga sa walang kahit na anong karamdaman ang kanilang anak. Hindi rin umano covid19 ang sanhi ng pagkamatay nito. Walang lagnat at iba pang malinaw na sintomas ng sakit at negatibo sa isinagawang swab test. Wala ring senyales ng ”foul play” sa katawan. Ang bahay ay maayos at walang hinihinalaang pumasok na masasamang loob.

Sa pagnanais na mabigyang kasagutan ang misteryong ito, ipina-otopsiya ang bangkay sa Santa Maria della Misericordia di Perugia. Sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng linaw ang lahat. 

Nakikiramay ang malaking komunidad ng mga pilipino sa buong pamilya ng yumao. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ano ang wikang filipino Ako Ay Pilipino

Ano ang wikang Filipino? Talakayan ukol sa Ugnayang Wika, Kultura at Buhay-Migrante sa Italya

January 5 at 6, zona rossa ulit sa Italya