Rome, Nov 23, 2012 – Matapos ilathala ang Buono Casa 2011 Graduatoria Definitiva “Ammessi” al Contributo Affitto 2010, ay ipinapaalala sa mga tatanggap ng benepisyo na ang Comune di Roma ay hindi na magbibigay ng tseke, bagkus ay ipadadala diretso sa bank account o postal account ng mga “Ammessi” o mga kwalipikado sa nasabing kontribusyon.
Ang modello 45 ay kinakailangang i-fill up upang matanggap ang Buono Casa.
Narito ang ilang payo kung paano sagutan ang modello 45 ng tama.
MODELLO 45. PARTE 1 – Dati Anagrafici
Ang kwalipikado sa benepisyo (o Ammesso) ay ang nararapat na nagmamay-ari ng bank account o postal account at ang address ay dapat na pareho sa nasasaad na address sa aplikasyon ng Buono Casa.
Samakatwid, ay isusulat sa 1 ang pangalan, kumpletong address, araw ng kapanganakan at sa domicilio ay isulat muli ang kumpletong address.
Ipinapayong isulat ang cellphone number o landline na maaaring tawagan kung kinakailangan. Ang numero ng Fax ay optional.
MODELLO 45. PARTE 2 – Categoria Anagrafica
Sa parteng ito, ay walang dapat isulat, dahil ang mga indibidwal ay Persone Fisiche at hindi Imprese.
MODELLO 45. PARTE 3 – Modalità di Riscossione Richiesta
Kung mayroong bank accoount, lagyan ng “X” ang “Accredito in c/c bancario dedicato con spese a carico del destinatario” at isulat ang pangalan ng bangko, IBAN at pangalan ng may-ari ng bank account (na ang kwalipikado sa benepisyo o ammesso)
Kung sakaling hindi alam kung ano ang sariling IBAN, ay tingnan lamang ang estratto conto buhat sa bangko. Ito ay karaniwang nakasulat sa itaas na bahagi ng unang pahina at nagtataglay ng 27 letters/numbers.
Ipinapaalala na ang kawalan ng IBAN ay maaaring maging dahilan ng hindi pagtanggap ng benepisyo.
Parehong procedure naman kung mayroong postal account.
Pagkatapos ay isulat ang petsa at lagdaan ang modello 45.
Ipinapayo ang mag-iwan ng isang kopya at ipadala ang original Modello 45:
– ng personal saSportello al Pubblico del Dipartimento delle Politiche Abitative ng Martes 9:00 am -1:00 pm at Huwebes 9:00 am – 3:00 pm
– registered mail ( mas mainam kung mayroong return card) sa Roma Capitale – Dipartimento Politiche Abitative – Quadrato della Concordia 4, 00144 Roma