Talento sa pag-awit, ipinamalas ng 14 na mahuhusay at magagaling na Mommy at Daddy sa ginanap na Showdown 2012.
Firenze, Hunyo 21, 2012 – Dahil ang buwan ng Mayo at Hunyo ay ang mga buwang natatangi para sa mga mahal nating Mommy at Daddy, ang Guardians Marilag Group International ay ginawang lalong special ang mahahalagang araw na napapaloob sa mga buwang ito tulad ng Mother’s Day at Father’s Day.
Pinamagatang “Mommy & Daddy Showdonw 2012”, ang pagdiriwang kung saan ipinakita ng mga Moms at Dads ang kanilang itinatagong talent sa pag awit.
Pinamunuan ang okasyon nila International Chairman Severo “NFGBF SILVER” Balasbas, Founder/Adviser Eddie “FGBF ED” Madriaga at Acting Chairman Benjamin “RMG BENJIE” Morte kasama ang mga members.
Ang showdown ay ginanap noong Hunyo 2, 2012 sa Circolo Ponte A Ema, Firenze, Italia. Labing apat na mahuhusay at magagaling na Mommy at Daddy ang di nag-atubili sa pagsali. Sina Sentiche Remotin-Firenze, Sanny Mermida-Prato, Carol Lising-Pisa, Danny Atienza-Firenze, Stella Baquilod-Firenze, Anna Marie Asierto-Firenze, Pacencia Abrogena-Firenze, Arnold Gutierez-Firenze, Glenn David-Prato, Cris Capalad-Firenze, Angelito Lapinid-Pisa, Sheryl Miranda-Firenze, Sheila Ambra Domingo-Firenze at Candy Valmores-Rome ang lumahok sa pagdiriwang.
Nagpakulay sa pagtitipon si Concert King Armand Curameng sa kanyang pag host at bilang Chairman of the Judges, kasama sina Councilor Oscar Lopez, Pres. Dondon Moncada ng Filipino Talents in Europe, Ako ay Pilipino correspondent Argie Gabay at Singer Rene Platon.
Naluha sa lubos na katuwaan si CANDY VALMORES, ang nakakuha ng titolo ng Mommy/Daddy Showdown.
“Marami ang nagsasabi na maganda raw ang aking boses at pwede raw akong sumali sa mga contest, kaya ng imbitahan ako rito sa Firenze ay sumali ako , ito ang aking unang pag subok. Mayroon ding nag discourage sa akin para sumali pero itinuloy ko pa rin. Ang makapasok sa top 5 ay sapat na sa akin, masaya na ako pero higit ang aking katuwaan dahil ako ang nagwagi”, masayang kwento ni Mommy Candy.
Si Candy ay tubong Bayambang, Pangasinan, ang kanyang Lolo ay isang Hapon, nakapagtrabaho rin siya sa Japan bago pumunta ng Italya at may isang anak. Siya ay naging isa sa mga guest performer noong Hunyo 17, 2012 sa selebrasyon ng Phil. Independence Day sa Firnze, Toscana.
Nakamit ni SENTICHE REMOTIN ang 2nd place, SANNY MERMIDA 3rd place, GLENN DAVID 4th place, DANNY ATIENZA 5th place at ANGELITO LAPINID 6th place.
Dinaluhan ang showdown ni Hon. Consul Dott. Fabio Fanfani ang naturang okasyon at humanga sa galing ng mga Pinoy Mommy at Daddy sa pag awit.
Naghandog din ng surprise number si Lawrence “MG KITTY HAWK Tamba at song number ng dalaginding na si Princess Del Valle.
“Isang pagbati at pasasalamat ang nais kong ihatid sa lahat ng mga sumuportang sponsors, sa mga kaibigan, sa lahat ng grupo ng Guardians at hindi ito magaganap kung wala ang mga MOMMY at DADDY. Happy Mother’s Day at Happy Father’s Day sa inyong lahat mga dakilang magulang”, pagtatapos ni Chairman Severo “NFGBF Silver” Balasbas. (ni: ARGIE GABAY )