in

Monique Wilson sa Talakayan ng SONA at OBR sa Roma

"No to Violence Against Woman", mensahe ni Monique Wilson sa mga migratnte.

Roma, Hulyo 31, 2015 – Isang forum ang inorganisa ng FW Watch Rome, Federation of Women in Italy, International Coalition on Human Rights in Philippines Rome o ICHRP at UMANGAT Migrante noong July 26 sa V. Giolitti 231 Roma.

Mahigit na 100 mga kababayan ang nakiisa sa nasabing forum, mula indibidwal hanggang sa ibat ibang organisasyon.

Dalawang mahahalagang tema ang tinalakay sa nasabing forum: ang ikaanim na SONA o State Of the Nation Address ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at ang OBR o One Billion Raising. Ito ay isang organisasyong internasyunal na layuning labanan ang sekswal na karahasan sa mga kababaihan.

Pangunahing tagapagsalita sa forum at panauhing pandangal si Ms. Monique Wilson, ang Direktor ng One Billion Raising Dance at una ng nakilala bilang Miss Saigon kasabay ni Leah Salonga.   

Ang aktres ay tumulak pa mula Torino upang ibahagi ang  kanyang karanasan.

At bilang kasalukuyang Global Director ng OBR, lalong napapalamin ni Monique ang kanyang pakikiisa sa iba’t-ibang grupo ng mga kababaihan sa maraming bansa upang sila ay maimulat at sa pamamagitan ng pagasasayaw ng OBR ay manawagan ng “No to Violence Agaist Women”.

Bagaman hinid naging madali ay ipinakilala rin ni Monique ang “V” Day o  “Vigina” from “Vigina Monologue”

Ayon pa kay Monique, nagsimula nyang bisitahin ang mga kababaihan sa iba’t ibang parte ng mundo para sa OBR simula noong 2013. Ang tema noon ay JUSTICE, dahil na rin sa lumalalang karahasan ng extra judicial killings at malalang kahirapan. Ngayong taon ay may temang "Revolution" na naglalayong baguhin ang kalagayan mula sa panawagang hustisya.

Sa kanyang pag-ikot sa iba’t ibang bansa para ipakilala ang OBR ay nakausap niya ang mga OFW at natuklasan ang kanilang mga karanasang hindi malilimutan. Dahil dito ay naunawaan niya kung gaano kahirap magtrabaho at mawalay sa sariling pamilya tulad ng pinag-daanan ng mga magulang ni MaryJane Velozo.

Sa katunayan, kanyang ibinahagi rin ang naging karanasan sa Indonesia noong Abril para kay Mary Jane. Ang presensya ng delegasyon ng NUPL (National Union of Phil. Lawyers, sa pangunguna ni  Atty.Edre Olalia, ConnieRegalado ng Migrante International at ni Monique sa isang solidarity meeting with Indonesian Women Organization na bahagi rin sa OBR ang isang dahilan kung bakit napagtagumpayan na maantala ang pagbitay sa Pilipina.

Ang kanyang 20minutong pagbabahagi ay sinundan ng OBR dance. Pagkatapos ay sumagot sa ilang katanungan. Kumanta ang 4rth generation kids of  MRS at kumanta ang Rain Acoustic Femmes.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa Citizenship, narito ang nilalaman

Congedo Matrimoniale, ano ito ?