in

Mother of Divine Grace Community, magdiriwang ng anibersaryo!

Kultura at Sports, bahagi ng pagdiriwang ng Mother of Divine Grace Filipino Community sa darating na Linggo.

Rome, Mayo 9, 20102 – Isang paanyaya sa nalalapit na ika-limang taong anibersaryo ng Mother of Divine Grace Filipino Community sa Linggo May 13, sa Parrocchia Crocifisso,Via Bravetta 332, Roma.

Sisimulan ang pagdiriwang sa umaga ng isang parade at susundan ito ng isang One Day League.

Magiging bahagi ng prograaltma ang Awarding Ceremony sa mga participants ng Advance Course Seminar 2012 ng kali, arnis at espcrima mula kay DP-Director for Europe Master Danilo Huertas na gaganapin sa araw ng Biyernes at Sabado ng hapon sa parokya.

Magbibigay naman ng masarap na sangkap ang Multi-Ethnic International Food Festival sa mga makukulay na booths, tiendas at caravans. At siyempre pa, hindi mawawala ang masaganang hapag para sa isang beneficial lunch.

“Isang karangalan para sa Filipino Community of  Mother of Divine Grace ang magbukas sa pagdiriwang ng kapistahan ng parokya, ng Ss Crocifisso na gaganapin sa buong linggo mula May 13 hangang May 20”, ayon kay Ariel Lachica ang presidente ng nasabing community. “Malugod po namin kayong iniimbitahang makiisa sa aming pagdiriwang at para sa anumang katanungan, ipagbigay alam po lamang sa numero 3207666105”, pagtatapos pa nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

China, handa na!

Isa akong Pinay at walang trabaho sa kasalukuyan, maaari ba akong mag-aplay para sa maternity allowance?