in

Mrs. Philippines Italy 2019 sa Reggio Calabria ng ICom, tagumpay!

Matagumpay na ginanap nitong Setyembre, sa ikalawang taon, ang Mrs Philippines Italy 2019 sa Reggio Calabria, sa pangunguna ng Ilocano Community, kilala rin sa tawag na Icom.

Walong mga Ilaw ng Tahanan ang sumabak sa patimpalak na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng South Italy tulad nina Marga Vince ng Catanzaro, Maria Dolores Borbon ng Messina, Teresa Leobrera Aben ng Cosenza, Mila Guilaran ng Salerno, Helen Banuelos ng Giarre, Aaida Montemayor at Emily Dela Cruz ng Reggio Calabria at Lynn Eugenio na nagmula pa sa North Italy, partikular sa Milan.

Ang lahat ng mga kandidata ay nagpakitang gilas at nagpagalingan mula sa kani-kanilang kagandahan, talento at talino. Tulad ng kanilang mga kasuutan, sila ay nagningning rin sa gabing iyon.

They are all winners!”, ayon kay Pia Gonzalez Abucay, ang guest speaker sa nasabing patimpalak at ang chairwoman ng Board of Judges na kinabibilangan din nina Bhong Hailer, ang presidente ng Filipino Association of Catania at Pinky Par Monks, nagmula sa UK na kasalukuyang nagtuturo sa isang International School sa Crotone Italy.

      

Hindi madali ang aming naging role sa gabing ito! Walang tulak kabigin dahil lahat sila ay karapat-dapat mag-uwi ng korona”, ayon sa mga judges.

Narito ang mga nag-uwi ng titolo:

4th runner up – Emily Dela Cruz ng Reggio Calabria  (Mrs. Charity);

3rd runner up – Lynn Eugenio ng Milan  (Mrs. Photogenic);

2nd runner up – Helen Banuelos ng Giarre (Darling of the Crowd);

1st runner up –  Aaida Montemayor ng Reggio Calabria (Mrs. Congeniality, Best Production number, Mrs. Social Media);

Mrs. Philippines Italya 2019 – Teresa Leobrera Aben ng Cosenza (Best in Filipiniana, Sports wear, Casual wear, Evening gown, Mrs. Talent)

 

 

 

Dumalo at hindi pinalampas ang pagdiriwang ng Mayor ng Reggio Calabria, na si Sindaco 

Giuseppe Falcomata. “Ito ay isang magandang halimbawa ng integrasyon ng mga dayuha

ng naninirahan sa Italya. Dahil dito, ako bilang alkalde ay natutuwa sa inyong patuloy na kolaborasyon at pagmamahal sa ating lugar” aniya. Nagpakita rin ng suporta si Consigliere Antonino Castorina sa kaniyang pagdalo at pananatili sa buong programa.

Lubos naman ang pasasalamat ng Ilocano Community at matagumpay na naidaos ang ang event.

Naging matagumpay ang event sa tulong ng bawat asosasyon at grupo mula sa ibang lugar na nakiisa tulad ng Milano, Cosenza, Palermo, Giarre, Catanzaro, Catania, Messina, Salerno at ang mga taga Reggio Calabria”, ayon kay Rey Rebudal.

Ang Ilocano Community o Icom ay naitatag noong 2016 sa pangunguna ni Rebudal. At simula noon ay aktibong-aktibo ang grupo. Sa katunayan ay nagkaroon ng iba’t ibang mga events ang nasabing grupo, tulad ng Little Miss Philippines, The Voice kids, The Voice teens, That’s my Lola, at Mrs Philippines Italy pageant. Bukod dito ay nagkaroon din ng taunang basketball at volleyball tournament pati na rin fishing tournament.

At salamat sa mga nabanggit, ang Icom ay malaki ang naitulong sa mga kababayang nangangailangan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga feeding program at pagbibigay ng mga regalo sa mga bata.

Ang Ilocano communtiy ay simulang dumating sa Reggio Mula noong 1975 hanggang sa lumaki na ang populasyon nito sa kasalukuyan.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Guardians Emigrant Rome City Legion sa kanilang ika-apat na anibersaryo

Paano ihahabla ang ‘lavoro nero’ ng isang colf o badante?