Muling nagpakita ng galing sa basketball ang mga taga Tuy na mga bumubuo ng TARI o TUY ASSOCIATION IN ROME ITALY nitong Marso.
March 25, 2018 nagpakita na naman ng galing sa basketball ang mga taga Tuy na mga bumubuo ng TARI (TUY ASSOCIATION IN ROME ITALY) sa pangunguna ng Presidente na si Mr. Sonny Atienza na nagmula sa Barangay Luntal, Tuy, Batangas at Vice President na si Mr. Ronald Castromero.
Mga manlalarong nagmula sa iba’t – ibang Barangay ng Bayan ng Tuy dito sa Roma: ang SVF (Saint Vincent Ferrer) na nag uwi ng 3rd Runner Up, Barangay Luntal na nagkamit naman ng 2nd Runner Up, PALMALYAN na sya namang nakakuha ng 1st Runner Up, Barangay Guinhawa na s’yang nakasungkit ng Champion. BEST COACH na nagmula sa Champion, si Edwin Villena, BEST IN THREE POINTS na nakapagbigay ng 173 points Glenn Nocon mula naman sya sa Team ng Luntal, MYTHICAL FIVE ay kinabibilangan nina TOM RAMOS (Guinhawa), BARRY GOZO (Guinhawa), MARVIN LAS PIÑA (Luntal), DEXTER PEREZ, (Palmalyan) and JC AVENA (SVF). Ang MVP (Most Valuable Player) muli sa team ng Guinhawa Axcel Panganiban.
Naging matagumpay ang nasabing palaro dahil na din sa pakikiisa ng bawat barangay kaya naman ganon na lang ang pasasalamat ng pamunuan lalo na sa mga sumuporta dito na sina Mr. Ronald Castromero, Mr. Peter Data, Mr. & Mrs. Philip Dayandayan, Mr. Mac Causapin, Mr. Randy Fermo FBAI PRESIDENT, Marife Alinea Ignaco, Mr. & Mrs. Frederick Bambao and Norie Ignaco. Ganon din ang pasasalamat sa mga teams kasama ang mga kabarangay nila.
Ang TARI ay isang malaking samahan na binubuo ng mga nagmula sa mga barangay ng TUY. Ito ay itinatag ni Mr. Eding Vidal na nagmula sa Barangay Magahis na sinuportahan naman ng kanyang mga manugang na sina Mr. Jun Cardeño at Mr. Armando Cabral aty hindi naman pinabayaan na mawala ang nasimulan kaya itinalagang kauna-unahang Presidente ng grupo si Cabral.
Nag umpisa siya sa halos 11 katao lamang ang kasama. At sya naman ay nagtagumpay na mapalawak ito at hanggang ngayon ay nananatili pa rin para sumuporta. Itinatag ang TARI ng December 2012.
Ang aming pag saludo sa TARI hanggang sa muling patunay ng pag kakaisa.
Norie Ignaco