in

Munting Tinig Ko, Alay Ko Sa Iyo

Roma, Nobyembre 3, 2014 – “Munting Tinig Ko, Alay ko sa iyo” – ito ang titolo ng ginanap na singing contest nitong Oktubre sa Roma kung saan sampung mahuhusay na kabataan ang naglaban-laban.

Sa pangunguna nina Karen Ocampo at Jojo Ramos, layunin ng patimpalak ang maging bahagi sa feeding program ng Hawak Kamay Foundation sa nalalapit na Kapaskuhan sa pamamagitan ng magagandang tinig ng mga kabataan.

“Bukod po sa gusto naming lumalim ang aming pagkakaibigan, gusto rin po naming makatulong sa mga less fortunate na bata sa Pilipinas ngayong Pasko”, ang halos pare-parehong tugon ng mga bata sa kanilang pagsali sa singing contest.

Sila ay sina Naethan Chase Ortiz, Charlotte Callejo, Liezly Mhay Casapao, Nathaly Velasquez, Rebecah Cuasay, Alexhia Micaella Napa, Megan Ronchiel Casanova, Raffaela Marie Landicho, Angela Yvette Paz at Princess Nicole Larido.

Ang sampung contestant ay pawang mga kilala na sa larangan ng pag-awit sa Roma. Sa katunayan, halos puro mga title holder na ang mga ito. Dahilan kung bakit naging mahirap ang ginampanan ng mga hurado na sina Boyet Abucay, Criselda Noces at Peter Candelaria na gumamit ng isang estratehiya sa elimination round. Matapos pumayag ang publiko, ang mga hurado ay nakatalikod na nakinig sa pag-awit ng mga contestant tulad sa The Voice. Sa second round na lamang humarap ang mga ito sa mga contestants para sa stage presence at iba pang criteria for judging.

Tinanghal na kampeon si Angela Yvette Paz. Sinundan ng 1st runner-up na si Naethan Chase Ortiz, ang Batang Idol 2014; 2ng runner-up si Megan Ronchiel Casanova; 3rd runner-up si Raffaela Marie Landicho at 4th runner-up naman si Alehxia Micaella Napa.

photo credits to Em Beze Artz photography

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Residenza elettiva, ano ito?

Permesso di soggiorno per motivi familiari, mare-renew ba sa paghihiwalay ng mag-asawa?