Rome – “Kabataan, layuning gabayan at hubugin sa tamang paraan ng pamumuhay bilang Kristiyano at bilang mamamayan”, mga pangungusap ni Father Orven Gonzaga at Sis. Ruby Pangpang, mga spiritual advisers ng Sentro Pilipino Youth Ministry o SPYM.
Kaya naman maraming mga kabataan ang nagnais na makiisa at makipagtulungan sa magandang hangarin ng pagkakaisa ng halos lahat ng mga Youth Ministry ng iba’t ibang Community.
Lalong napagtibay ang hangarin matapos ang isang matagumpay na inisyatiba, ang “MUSIKABATAAN” na ginanap noong nakaraang Linggo sa Via Palestro. Ang pagdiriwang ay naglalayong ang husay sa awit at sayaw ng mga kabataan ay maging daan para sa pagkakaisa at makalikom ng fund para sa darating na World Youth day at Youth Encounter na gaganapin sa France.
Sa larangan ng pag awit, walong contestants ang nag laban-laban. Isang 15 anyos na si ARGIE ALVIAR, tubong Cabuyaw Laguna, ang nag uwi ng pinaka-aasam na titolo. Si Argie ay bunga ng tinatawag na ‘second generation’, ipinanganak sa Italya Nov. 4, 1995 at kasalukuyang nag aaral ng Liceo linguistico. Nag-uumapaw ang tuwa ng mga magulang na sina Jun Alviar, 48 anyos at Olivia Alviar, 51 anyos.
Nakuha naman ni MIRKO VILLARBA tubong Tuwi Batangas at 18 years old ang second place at third placer naman si Karis Lontayao,19 taong gulang at nag-aaral sa Luigi Einaudi ng Kursong Turismo.
Nag-uwi ng titolo sa Best Choral Competiton ang Kapass Youth group mula Scala Santa Community.
Samantala ang “Kreways” ang tinanghal na pinakamagaling sa Hip Hop Dance competition, kung saan limang grupo naman ang lumahok.
Si Father Romy Velos ang Chairman of the board of Judges at nakapiling din sa nasabing okasyon ang representative ng Filinvest, sina Mr. & Mrs. Eduardo Valenzuela at Analiza Bueno Magsino.
Nag-uumapaw sa tuwa si Rey Magsino, ang Youth Coordinator gayun din si Arman Noma na pinangunahan ang buong programa at taus pusong nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa ginanap na pagdiriwang.