in

Mutya ng Adriatico Italia, hatid ng Unione Filippini Abruzzesi

Ginanap ang ikatlong edisyon ng Mutya ng Adriatico Italia 2015, hatid ng Associazione Unione Filippini Abruzzesi o UFA. Layunin ng patimpalak ay ang itaguyod ang kultura ng Pilipinas at integrasyon ng mga Pilipino sa Italya.

 

Pescara, Enero 8, 2016 – Ang Mutya ng Adriatico Italia ay ang taunang beauty, brain & talent pageant na idinadaos ng Associazione Unione Filippini Abruzzesi o UFA sa Pescara,ng Abruzzo Region.

Layunin ng Asso. U.F.A. sa patimpalak ay ang itaguyod ang kultura ng Pilipinas at integrasyon ng mga Pilipino sa Italya. Para naman sa mga kandidata ng Mutya ay upang magkaroon ng pagkakataong maipakita ang sariling kakayahan, kaalaman at personalidad bukod pa sa makapagbigay-aliw sa mga manonood. Bukod dito, layunin ng event ay ang patuloy na pagbibigay tulong sa ating mga kababayan sa Pilipinas sa pamamagitan ng SAGIP KAPAMILYA, ang ABS CBN Foundation.

Ang ikatlong edisyon ng Mutya ng Adriatico ay ginanap noong makaraang December 13, 2015 sa Parc Hotel Villa Immacolata, San Silvestro, Pescara, Abruzzo. Higit sa 500 mga Pilipino at Italyano ang dumalo sa annual big event ng Unione Filippini Abruzzesi.

Walong kandidata ang lumahok mula sa iba’t ibang parte ng Italya tulad ng Ancona, Bari, Cesena, Pescara, Rimini, Roma at Salerno. Tinanghal na Mutya ng Adriatico 2015 at Miss Charity 2015 si Caroline Liquit mula Ancona; 1st runner-up si Dana Remes mula Salerno; 2nd runner-up si Mirasol Cepe mula Bari at 3rd runner-up naman si Marlene Floro mula Ancona.

Ang mga nagwagi ng minor awards ay sina:

Best in Production Number – Dana Remes (Salerno)

Best in City Winter Wear Award – Princess Ella Hernandez

Best in Tropical Swimwear Award – Caroline Liquit (Ancona)

Best in Sports Wear Award – Caroline Liquit (Ancona)

Best in Talent Award – Marlyss Reyes (Rimini)

Best in Bohemian Autumn Wear Award – Cherry Ann Cotoniel (Cesena)

Miss Social Media Award – Cherry Ann Cotoniel (Cesena)

Miss Charity Award – Caroline Liquit (Ancona) & 1st Runner Up Charity – Angelica Garcia (Pescara)

Best in Filipiniana Costume Award – Caroline Liquit (Ancona)

Best in Spring Evening Gown Award – Mirasol Cepe (Bari)

Miss Darling of the Crowd – Mirasol Cepe (Bari)

Miss Congeniality Award – Caroline Liquit (Ancona)

Miss Photogenic – Dana Remes (Salerno)

Best in Portrait Award – Angelica Garcia (Pescara) & Cherry Ann Cotoniel (Cesena)

Miss Pretty Face Award – Caroline Liquit (Ancona)

Best in Free Style Award – Princess Ella Hernandez (Rome)

Best in Fashion Style Award – Marylyss Reyes (Rimini)

Best in Floral Fashion Award – Marlene Floro (Ancona)

Ang assosasyon Unione Filippini Abruzzesi o UFA ay itinatag noong 2008 na may layuning itaguyod at pangasiwaan ang pagsasama-sama ng mga Pilipino na naninirahan sa Abruzzo Region. Kasalukuyang mayroong 70 miyembro na pinamumunuan ni Cherryl Moana Caras ng higit 7 taon na; kasama sina Nestor Malabanan- Vice Pres; Maricar Virgo & Sheena Faye Perez- mga acting Secretaries; Jennifer David- Treasurer; Jacqueline Tatunay- Auditor at Milagros Aguada- P.R.O.

Sa katunayan, ang Asso. UFA ay nakikipagtulungan sa mga local activities ng Comune ng Pescara at Chieti, Centro Servizi di Volontariato, Caritas at Immigrantes at dahil dito ay naging reference point na ito para sa mga Pilipino simula ng naitatag ito.

Ang mga proyekto at aktibidad ng assosasyon ay pawang mga socio-cultural, religious at sports. Aktibo sa larangan ng pagkakawanggawa tulad ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa ating bansa. Nagbibigay ng libreng tulong sa mga naghahanap ng trabaho at pati na rin sa interview ng mga applicants. Nag-oorganisa din ng mga courses at outreach programs para sa mga Pilipino sa tulong ng Philippine Embassy Rome at ito ay isinasagawa sa Pescara. Ang ilan sa mga aktibidad ng Asso. UFA ay ang: Tatlong edisyon ng Pageant Mutya ng Adriatico Italia; Gita Sociale; Guided Pilgrimage; Social Parties; UFA’s CUP na may partisipasyon ng mga PBA legends; Men Basketball League in Abruzzo at Men & Women Volleyball Indoor Tournament in Marche at beach volleyball (summer period);Tournaments sa bowling, Bilyar, darts at Pingpong at Bingo Social. Nakikipagtulungan din sa mga singing contest na ginaganap sa Pescara tulad ng ang BidaStar at TFCKat

At dahil nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng paring Pilipino, halos lahat ng mga miyembro ng asosasyon ay miyembro na din ng CFC FFL Community.

Ang mga nabanggit na proyekto ay patuloy na ginagawa taun taon ng asosasyon upang mabigyan ng kasiyahan at maibsan ang pananabik sa bansang Pilipinas. Nais ng asosasyon ang higit na mapalalim pa ang kaalaman, malabanan ang homesick, at ang magamit, maipakita at maipagmalaki ang talento ng lahing Pilipino sa buong mondo.

ni: PGA

larawan ni: Stefano Romano

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Black Squadron humakot ng 8 gold, 11 silver at 7 bronze medals

Ginang Pilipinas Italia 2015